Palasyo: Alert Level 1 sa NCR posible kung patuloy na bumaba ang mga kaso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – May posibilidad na ang National Capital Region (NCR) ay mapasailalim sa pinaka maluwag na Alert Level 1, kung ang mga kaso ng Covid-19 ay magpapatuloy sa pagbaba sa mga susunod na araw, sinabi ng Malacañang nitong Miyerkules.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang mga pangunahing opisyal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng gobyerno ay magkakaroon ng preliminary assessment sa sitwasyon ng Covid-19 sa Metro Manila sa Huwebes.

Susundan ito ng isang pagpupulong sa alinman sa Pebrero 12 o Pebrero 13, upang talakayin ang pinakabagong data at numero ng Covid-19 sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang NCR.

What we want to do sa IATF is the closer to February 16 ang aming assessment para yun ang latest numbers na makikita natin to make a final decision for alert level system for February 16 hanggang katapusan ng Pebrero,” wika ni Nograles.

Samantala, nauna nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge at general manager, Romando Artes, na handa ang mga alkalde ng NCR na pagaanin ang mga paghihigpit sa loob ng kani-kanilang local government units (LGUs) ngunit naghihintay pa rin ng pinal na mga alituntunin mula sa IATF.

“Ine-expect natin na soon baka mag-Alert Level 1 po tayo. Ang mga alkalde naman po ay handa para sa pagbubukas ng iba’t-ibang industriya at sektor sa kalakhang Maynila,” aniya sa isang panayam sa telebisyon noong Martes.

Kapag patuloy na bumaba ang kaso ng Covid-19, sinabi ni Artes na hihilingin ng Metro Manila Council na ilagay ang NCR sa Alert Level 1, gaya ng tinalakay ng mga miyembro nito.

Ang Metro Manila, kabilang ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao, ay nasa Alert Level 2 hanggang Pebrero 15.

LATEST

LATEST

TRENDING