
MANILA – Hinimok ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na simulan ang pag-de-escalate sa Alert Level 1 sa susunod na buwan.
Ito ay matapos ang takbo ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay inaasahang bumagal sa humigit-kumulang 1,000 hanggang 2,000 kaso batay sa pananaw ng OCTA Research Group.
“We need to de-escalate our countrymen from crisis mode to recovery mode. This is important if Filipinos have to come out and help rebuild our country by engaging in economic activity like going to shops, dining out, traveling or going back to work,” wika ni Concepcion sa isang pahayag nitong Martes.
Inirerekomenda din niya na payagan ang lahat ng mga establisyimento na mag-operate sa ilalim ng mas mababang antas ng alerto.
Bukod sa pagsuporta sa economic recovery, idinagdag ng Go Negosyo founder na ang paglipat sa Alert Level 1 ay magbibigay ng pagkakataon para sa bansa na makita kung gaano kahusay nito pangasiwaan ang kondisyon sa pamamagitan ng pag-asa lamang sa pagsunod sa minimum public health protocols.
Naninindigan si Concepcion para sa unti-unting pagtanggal ng alert level system sa mga lugar na may mataas na rate ng pagbabakuna tulad ng Metro Manila.
“I think that as long as there are no variants of concern, and we have already achieved a high vaccination rate and hospital utilization rate is low, we can already start to consider lifting alert levels,” wika niya.
Ang Metro Manila, Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 2.





