Duterte: Kasuhan ang mga nagbebenta ng pekeng injectable Covid-19 drugs

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga taong nagbebenta ng mga pekeng gamot online, kabilang ang mga injectable drugs para sa paggamot sa Covid-19, ay dapat na makasuhan.

It is important that the source of the fake or counterfeited drug should be pinpointed or known, kasi we have to warn the citizens about these fake drugs or counterfeited drugs at saka itong mga tao are prosecuted at magkaroon ng kaso kasi kung nasa labas ang mga taong ito, they will continue their practice if we will be lenient about it,” sinabi ng Pangulo sa kanyang Talk to the People na ipinalabas noong Lunes ng gabi.

Muling nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagtangkilik sa mga pekeng injectable na bakunang Covid-19 at mga pekeng gamot.

Sinabi ni FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez na ang pekeng Tocilizumab injection para sa paggamot sa Covid-19 ay ibinebenta sa halagang PHP25,000 kada vial.

Sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic noong nakaraang taon, sinabi ni Gutierrez na ang commercial price range nito ay umabot sa humigit-kumulang PHP70,000 hanggang PHP90,000 kada vial ngunit hindi ito aprubado ng FDA.

Hinimok ni Gutierrez ang publiko na bumili lamang ng mga gamot sa mga tindahan at botika na lisensyado ng FDA.

If possible, buy from the same outlets you trust each time,” wika ni Gutierrez, na binabanggit na ang mga pekeng gamot ay karaniwang may hindi magandang kondisyon sa packaging, mga pagkakamali sa spelling, at maling grammar.

Dapat aniyang malaman na ang petsa ng paggawa at petsa ng pag-expire sa panlabas na packaging ng mga pekeng gamot ay hindi tumutugma sa impormasyon sa panloob na packaging nito.

Sinabi ni Gutierrez na ang anumang gamot ay dapat lamang na galing sa mga kumpanyang lisensyado ng FDA.

Idinagdag ni Duterte na kailangang mayroong isang mula sa FDA na susubaybay sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa mga pekeng nagbebenta.

Samantala, binanggit ni Gutierrez na ang FDA ay mayroong regulatory enforcement unit, na tumitingin sa mga kaso, sa pakikipag-ugnayan sa government security enforcers, upang matiyak na ang mga lalabag ay mapaparusahan o makukulong.

Ang trabaho ninyo does not end with the arrest, it’s not even complete by just saying that you have gathered all the fake drugs, it includes the prosecution,” wika ni Duterte. “I have yet to see a conviction of people who are into this kind of activity.”

Sinabi ni Gutierrez na may kabuuang 85 katao ang naaresto sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pagbebenta ng mga pekeng gamot.

LATEST

LATEST

TRENDING