Sara, ibinasura ang posibilidad na palitan si BBM

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ni vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte noong Linggo na hindi niya pinag-iisipang palitan ang presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung sakaling ma-aprubahan ang petisyon laban sa kanya.

Inilarawan ni Mayor Sara ang mga talakayan tungkol sa kanyang pagpalit kay Marcos bilang ” hindi kanais-nais”, at binanggit na wala pa sa kanila ang nanalo sa isang halalan.

Personally, I find talks about me ‘possibly replacing a President Bongbong Marcos exceptionally unpleasant as — in reality — both of us are yet to win the elections. It is putting the cart before the horse,” wika niya sa isang pahayag.

I am not entertaining the thoughts of a possible replacement as I also do not look forward to a scenario of a disqualified BBM — before or after the elections,” dagdag niya.

Sinabi niya na walang talakayan sa pagitan nila ni Marcos tungkol sa mga kasong disqualification laban sa kanya.

Gayunpaman, sinabi niya na ang mga kasong disqualification na isinampa laban kay Marcos ay “walang basehan”.

I maintain that the disqualification cases filed against BBM have no basis at all — orchestrated by anti-Marcos forces desperate to regain control of our country, never mind if they sow divisiveness among our people, never mind if they undermine our freedom, never mind if they make a mockery of our laws,” aniya.

Si Duterte ay tumatakbo bilang bise presidente sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party, habang si Marcos ay tumatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Nagpasya silang tumakbo bilang isang tandem, at tinawag na “UniTeam”.

Sa isang panayam sa TV kasama ang TV host na si Korina Sanchez na ipinalabas noong Sabado, inamin ni Marcos na nag-aalala siya sa kanyang mga kaso ng disqualification na isinampa laban sa kanya ngunit inangkin niya ang posibilidad na ang kanyang running mate na si Duterte, ay maaaring maging presidente kung pagbibigyan ang petisyon laban sa kanya.

Yes. If I am disqualified,” sagot ni Marcos, nang tanungin kung posible ang senaryo.

Habang nananatiling hindi nareresolba sa Commission on Elections (Comelec) ang mga kaso ng disqualification laban kay Marcos, hindi umano niya hahayaang makasagabal ang mga ito sa kanyang mga plano.

Of course. I take everything seriously. I worry about everything. But I do not let it distract me from the campaign,” wika niya.

Sa ngayon, wala pang desisyon ang Comelec sa petisyon na i-disqualify si Marcos dahil sa kabiguan nitong maghain ng income tax returns at hindi umano pagbabayad ng kaukulang tax deficiency.

LATEST

LATEST

TRENDING