‘Pre-campaign period expenses’ ng mga kandidato, hindi sakop ng poll guidelines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang gastos ng mga kandidato bago magsimula ang campaign period ay hindi saklaw sa mga alituntunin ng 90-day campaign para sa mga national aspirant, ipinahayag ng opisyal ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes.

We have no premature campaigning. So any expense spent prior to the campaign period is not included. Even if there (seems to be) a violation of the guidelines, violations have not been considered because the campaign period has not yet started,” wika ni Elaiza David, director ng Education and Information Department (EID) ng Comelec, sa Laging Handa briefing.

Sinabi ni David na wala pa silang data tungkol sa mga gumastos nang malaki para i-promote ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga patalastas sa iba’t ibang plataporma.

So far, nothing yet since the report happens at the end of the campaign. We don’t have data yet,” dagdag niya.

Ayon sa mga ulat, sa mga presidential aspirants, si dating Senador Panfilo Lacson ang naitala bilang may pinakamataas na nagastos noong nakaraang taon na may mahigit PHP900 milyon sa telebisyon, radyo, print at billboard ads.

Sinusundan siya ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may mahigit PHP700 milyon na nagastos sa mga patalastas mula Enero hanggang Disyembre 2021.

Samantala, gumastos si Vice President Leni Robredo ng humigit-kumulang PHP500 milyon sa mga patalastas noong nakaraang taon.

Ang isa pang presidential bet na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay gumastos ng higit sa PHP300 milyon habang si Sen. Emmanuel Pacquiao ay gumastos lamang ng humigit-kumulang PHP1.7 milyon noong 2021.

Magsisimula na sa Martes ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo sa pambansang posisyon tulad ng presidente, bise presidente, senador at party-list.

LATEST

LATEST

TRENDING