Comelec: Mga kandidatong tumatanggi sa debate, ‘red flag’ para sa mga botante

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang pagtanggi ng mga kandidato na lumahok sa mga debate ay dapat magsilbing “red flag” para sa mga botante sa darating na May 9 national at local elections, ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes.

Not a red flag for Comelec, but red flag for the voters, absolutely. But for the Comelec, we don’t care if they come or not,” isinaad ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang online press briefing.

Aniya, maaaring makipag-ugnayan ang mga botante sa mga aspirante upang malaman ang kanilang mga plano at programa para sa bansa kung ang mga kandidato ay lalahok sa mga debate.

Ultimately, what the Comelec cares about is whether or not the public will have the opportunity to interrogate the candidates, their positions, their beliefs and so on,” wika niya.

Whether or not they come to the debate doesn’t really matter to the Comelec, it matters to the people,” dagdag niya.

Sinabi ni Jimenez na sa mga debate na gagawin ng poll body para sa pagkapangulo at pagka-bise presidente na mga aspirante, ang podium na nakalaan para sa isang partikular na kandidato ay maiiwan na may pangalan pa rin kahit na tumanggi ang kandidato na sumipot.

I think it is very important that in recognition of how important it is to the people that we acknowledge that they fail to show up. It is not to be glossed over, not ignored. We are going to have a podium right there with their name on it and no face above it. That’s their lookout,” wika niya.

Plano ng Comelec na magdaos ng tatlong debate sa pagkapangulo at pagka-bise presidente, kung saan ang una ay gaganapin ngayong buwan, ang pangalawang kaganapan sa Marso at ang huli ay sa Abril.

Sinisikap din nilang itanghal ito bawat isa sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa halalan noong Mayo 2016, nagsagawa ang Comelec ng tatlong debate sa pagkapangulo sa tatlong isla, at isa sa pagka-bise presidente sa Metro Manila.

LATEST

LATEST

TRENDING