
MANILA – Hinimok nitong Martes ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang mga magulang na mahigpit na subaybayan ang kanilang mga anak kapag lalabas habang ang National Capital Region (NCR) ay ibinalik sa Alert Level 2.
Sinabi ni Carlos na mas mainam na panatilihin ang mga bata sa bahay, lalo na kung walang mahalagang layunin na dalhin sila sa labas, upang maiwasan ang mga matataong lugar.
“We are appealing again to the parents or guardians to take the responsibility of monitoring their minor companion since there isn’t any age restriction for those who wish to go outdoors,” dagdag niya.
Ito, habang ang gobyerno ay naghahanda para sa paglulunsad ng pediatric vaccination laban sa coronavirus para sa mga batang 5-11 taong gulang sa Pebrero 4.
Mula sa Alert Level 3, ang status ng NCR ay ibabalik sa Alert Level 2, na nagpapahintulot sa intrazonal at interzonal na paggalaw hanggang Pebrero 15.
Ang mga local government units (LGUs) ay maaaring magpataw ng mga paghihigpit na napapailalim sa pagsusuri ng kani-kanilang regional Inter-Agency Task Forces.
Kasunod ng pag-downgrade, sinabi ni Carlos na nakatakdang i-recalibrate ng police force ang action plan nito sa rehiyon at pitong iba pang lugar sa ilalim ng Alert Level 2.
“We advise our unit commanders to verify the adjustments in policies that the LGUs may implement in their locality,” aniya.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga establisyimento ay pinahihintulutang mag-operate sa maximum na 50 porsiyento ng indoor venue capacity at 70 porsiyento ng outdoor capacity para sa mga indibidwal na ganap na nabakunahan.





