Duterte, nananawagan para sa pakikiramay, pagkakaisa sa Year of the Tiger

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Martes sa sambayanang Pilipino na patuloy na magpakita ng pakikiramay at pagkakaisa habang sinasalubong ng bansa ang 2022 Lunar New Year.

Sa kanyang mensahe sa Chinese New Year, sinabi ni Duterte na umaasa siyang ngayong taon ng Water Tiger ay magdadala sa buong bansa ng “swerte at panibagong lakas habang tayo ay bumabangon mula sa Covid-19 pandemic at iba pang hamon na sumubok sa ating katapangan bilang isang bansa.”

Through our courage, faith, and determination, we have become more resilient and capable to build back better,” wika niya.

It is my fervent prayer that 2022 will be a better year for all of us, in terms of wealth, health, relationships and progress,” dagdag niya.

Hinimok din ni Duterte ang lahat ng Pilipino na maghanap ng higit pang mga pagkakataon para sa paglago at kaunlaran ngayong taon at “maging instrumento ng kapayapaan, pagkakasundo at kabutihang-loob sa lahat.”

As we look forward to the blessings of this auspicious occasion, let us continue to demonstrate the ideals of bayanihan and malasakit (unity and compassion), especially to those who are most in need,” aniya.

Ang Pebrero 1 ay ang simula ng Chinese New Year sa 2022, isang holiday na malawakang ipinagdiriwang sa Pilipinas bilang tahanan ng isang malaking Filipino-Chinese community.

Idineklara ng Proclamation 1236 ang araw na ito bilang isang special non-working day.

LATEST

LATEST

TRENDING