Paglilimita ng mga bakuna sa 3 o 4 brands, isinasaalang-alang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinaplano ng gobyerno ng Pilipinas na limitahan ang bilang ng mga coronavirus vaccine brands sa portfolio nito sa maximum na apat, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na hindi kailangang makuha ng bansa ang lahat ng brand ng bakuna.

Hindi na po tayo bibili sa aking pagkakaintindi ng Sputnik vaccine. Alam naman natin na kailangan natin nang i-limit. Masyado nang marami tayong portfolio ng bakuna,” wika niya sa Laging Handa briefing.

“There are some preferences so baka i-limit lang natin ngayon sa three or four vaccines in the future,” dagdag niya.

Ayon kay Cabotaje, ang single-dose na Sputnik Light, na ginawa ng Gamaleya Institute ng Russia, ay maaaring ibigay bilang una, pangalawa, o booster doses.

Ang portfolio ng bakuna sa bansa ay binubuo ng AstraZeneca, Pfizer, Sinovac, Moderna, Janssen, Sputnik V, Sputnik Light, at Sinopharm.

Nitong Enero 26, nakapagbigay na ang Pilipinas ng 125,089,118 vaccine doses, ayon sa National Task Force Against Covid-19.

Sa kabuuan, 58,149,158 ang ganap na nabakunahan, kabilang ang 7,391,735 indibidwal mula 12 hanggang 17 na pangkat ng edad.

Sa Pebrero 4 at 5, sisimulan sa mga piling site ang pag-pilot sa pagbabakuna ng mas mababang dosis na mga bakunang Pfizer para sa mga batang may edad na 5 hanggang 11.

LATEST

LATEST

TRENDING