DILG: Mahigpit na parusa ang nahaharap sa lumalabag ng pandemic campaign rules

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagbabala ang tagapagsalita ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes na ang mga political aspirants at ang kanilang mga tagasuporta ay mahaharap sa mahigpit na parusa kung sila ay mapatunayang lumalabag sa mga panuntunan sa kampanya sa halalan na itinakda sa panahon ng pandemya.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ang mga parusa para sa mga paglabag sa kampanya ay nag-iiba depende sa uri ng paglabag, tulad ng nakasaad sa Comelec Resolution 10732, na nagpapatibay sa ‘new normal’ ng pagdaraos ng mga pisikal na kampanya, rally, at pagpupulong batay sa Alert Level sa isang partikular na lugar.

We are asking the cooperation and help of the politicians, their supporters and political parties to follow these guidelines since any violation of the rules and regulations implemented by the Comelec is an election offense,’’ wika ni Malaya.

Sinabi ni Malaya na ang resolusyon ng Comelec ay “mas mahigpit” kaysa sa mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang mga lumalabag ay madidisqualify na humawak ng pampublikong katungkulan at maaari ding madiskuwalipika na gamitin ang karapatang bumoto sa mga halalan sa hinaharap.

Ang mga taong lalabag sa minimum public health standards ay nahaharap sa pagkakakulong na hindi bababa sa isang buwan ngunit hindi hihigit sa anim na buwan o pagbabayad ng multa na hindi bababa sa PHP20,000 ngunit hindi hihigit sa PHP50,000.

“The penalties stated in the law are stiff, hopefully the Comelec, DILG and our candidates, their supporters and political parties will join hands to achieve an orderly political campaign,’’ aniya.

Nakasaad sa resolusyon ng Comelec, na inilabas noong Nobyembre ng nakaraang taon, na ipinagbabawal ang pakikipag-ugnayan sa pangangampanya, o pakikipagkamay, yakap, halik, braso-sa-braso o anumang aksyon na may kinalaman sa pisikal na kontak ng mga kandidato, kanilang mga kasama at publiko.

Kabilang sa iba pang mga ipinagbabawal na gawain ang pagbabahay-bahay na pangangampanya kahit na may pahintulot ng may-ari, pagkuha ng mga selfie at pamamahagi ng mga pagkain at inumin.

Inilabas ni Malaya ang paalala sa mga political aspirants bago ang simula ng campaign period para sa nationally-elected positions sa Pebrero 8 at Marso 25 para sa mga lokal na kandidato.

Sinabi ni Malaya na naglabas ng utos si Interior Secretary Eduardo Año sa local government units at Philippine National Police na ipadala ang kanilang mga team para matiyak na mahigpit na sinusunod ang poll campaign guidelines.

LATEST

LATEST

TRENDING