US, inaasahan ang ‘matibay, produktibo’ na ugnayan sa susunod na pangulo ng PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaasahan ng gobyerno ng Estados Unidos ang isang “matibay at produktibo” na ugnayan sa susunod na maihahalal na pangulo ng Pilipinas sa darating na halalan ngayong Mayo, inihayag ng US Embassy sa Maynila noong Huwebes.

Sa isang media roundtable, nagpahayag ng kumpiyansa si US Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava na mananatiling matatag ang ugnayan ng dalawang bansa batay sa kanilang matagal at malawak na kooperasyon.

Sinabi niya na iginagalang at sinusuportahan ng gobyerno ng US ang demokratikong proseso ng Pilipinas at umaasa na makipagtulungan sa sinumang kandidato na ihahalal ng mamamayang Pilipino.

I think the bonds between our people are so strong and I think regardless of who is elected in May we look forward to having a strong and productive relationship with the new president, and we look forward to continuing that strong partnership and supporting the Philippine rights and sovereignty in the region,” giit niya.

Sinabi ni Variava na maraming mga lugar ang maaaring higit pang pagsikapan ng dalawang bansa, kabilang ang seguridad, kalakalan, pag-unlad, at pagpapalitan ng kultura at edukasyon, bukod sa iba pa.

Last year, we celebrate the 70th anniversary of the Mutual Defense Treaty and we continue to celebrate the 75th anniversary of our bilateral diplomatic relationship, both of which are reminders of the strength of our longstanding commitment to one another as friends, partners, and allies,” wika niya.

Samantala, binanggit niya ang interes ng Washington D.C. sa paglahok sa mga programa sa pagmamasid na maaaring i-host ng Commission on Elections para sa paparating na pambansang halalan.

We may indeed see observes from the United States joining as well. We don’t have details on that yet but we’ve gotten inquiries from some of the leading organizations about coming to observe and of course we are willing to work with Comelec to participate in whatever program is available,” aniya. 

LATEST

LATEST

TRENDING