DOTr: LGUs sa labas ng NCR ang magdedesisyon sa ‘no vax, no ride’ policy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang mga local government units (LGUs) sa labas ng National Capital Region (NCR) ang magdedesisyon kung ipapatupad ang “no vaccine, no ride” policy, inihayag ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) noong Huwebes.

Sa isang Laging Handa briefing, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Artemio Tuazon Jr. na ang vaccine policy sa pampublikong transportasyon ay batay sa paggamit ng LGUs sa kanilang police power.

“Sila po ang nakaka-alam kung ano po ang kondisyon sa kanilang mga localities at sila po iyong may karapatang mag-exercise nitong police power under the local government code,” isinaad ni Tuazon.

Sa oras na maglabas ng ordinansa o regulasyon ang mga LGU para ipatupad ang patakaran sa bakuna, sinabi niyang susuportahan ng DOTr ang pagpapatupad nito.

Habang ang patakaran ay kasalukuyang sinuspinde sa Metro Manila, sinabi niya na ang mga tao ay nagsisimulang maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng proteksyon laban sa malubhang impeksyon sa Covid-19.

“Unti-unti na pong naiintindihan ng ating mga mamamayan at mananakay kung ano po ang importansiya nitong polisiya na ito, at naintindihan na rin po nila na para sa kapakanan po nila ito,” wika ni Tuazon.

Nagpasya ang DOTr, Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Labor and Employment (DOLE) noong Miyerkules na ipagpaliban ang patakarang “no vaccine, no ride” sa pampublikong transportasyon sa loob ng 30 araw para bigyang-daan ang hindi nabakunahang essential na manggagawa at biyahero upang makuha ang kanilang mga Covid-19 jabs.

Simula sa Pebrero 25, ang mga hindi nabakunahan at bahagyang nabakunahan ay muling pagbabawalan sa pampublikong transportasyon maliban sa mga may patunay ng kanilang medical exemption, ang kanilang katayuan bilang isang essential worker, o ang mga pinapayagang kumuha ng mga kinakailangang produkto at serbisyo.

LATEST

LATEST

TRENDING