618 bagong kaso ng Omicron, natukoy ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – May kabuuang 618 bagong kaso ng Omicron variant ng coronavirus ang natukoy mula sa 677 samples sa pinakabagong batch ng whole-genome sequencing, iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Sa pinagsamang pahayag kasama ang Unibersidad ng Pilipinas – Philippine Genome Center (UP-PGC) at ang Unibersidad ng Pilipinas – National Institutes of Health (UP-NIH), sinabi ng DOH na ang mga kaso ng Omicron ay binubuo ng 497 lokal na kaso at 121 returning overseas Filipinos (ROFs).

Para sa Omicron variant, ang address ng mga kaso ay nasa National Capital Region na may 238 kaso, Calabarzon, 71; Ilocos Region at Western Visayas na may tig-30; Eastern Visayas, 28; Central Luzon, 27; Central Visayas, 20; Cagayan Valley, 19; Cordillera Administrative Region, 13; Davao Region, 10; Soccsksargen, 6; tig-dalawang kaso mula sa Bicol Region at Mimaropa at isang kaso mula sa Northern Mindanao.

Sinabi ng DOH na 13 kaso ang aktibo pa rin, dalawang kaso ang namatay, at 560 na kaso ang na-tag bilang gumaling. Mayroong 43 mga kaso na ang mga resulta ay biniberipika pa rin.

Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng mga nakumpirmang kaso ng Omicron variant ay 1,153.

Sa mga kumpirmadong kaso ng Omicron, mayroong limang nasawi.

Both the original Omicron lineage, B.1.1.529, and its sub-lineages, BA.1 and BA.2, have been detected in the country,” ayon sa DOH. “The earliest detection of the BA.2 sub-lineage was on December 31, 2021 and was found to be the majority of Omicron cases in the latest batch.

Para sa highly transmissible Delta variant, 35 na kaso ang natukoy — 26 ang mga lokal na kaso at siyam ang ROF, na nagdala sa kabuuang bilang sa 8,647.

Hinikayat ng DOH ang publiko na sundin ang protective health protocols at sumunod sa minimum public health standards habang isinasagawa pa ang pag-aaral sa mga posibleng epekto ng natukoy na ‘Stealth Omicron’ sa kasalukuyang trend ng kaso.

New protocols were put in place as a preventive measure to mitigate the risks of the different variants of the virus,” aniya.

Hinimok din nito ang publiko na kumpletuhin ang kanilang pangunahing serye ng mga bakuna at boosters, lalo na ang mga pinaka-bulnerable sa virus tulad ng matatanda, bata, at may sakit.

LATEST

LATEST

TRENDING