Duterte: Pagpapangalan sa ‘pinaka-korap’ na kandidato, hindi pamumulitika

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Martes na sisimulan na niyang talakayin ang tungkol sa halalan sa Mayo 9 at mga kandidato sa takdang panahon, bilang bahagi ng kanyang trabaho at bilang pinuno ng bansa.

I will personally name the candidates and maybe what’s wrong with them na kailangan malaman ng tao because you are electing a president. Sino ‘yung pinaka-corrupt na kandidato,” sinabi ni Duterte sa kanyang prerecorded Talk to the People na ipinalabas noong Martes ng umaga.

Nilinaw ni Duterte na ang hakbang na ito ay hindi isang anyo ng pamumulitika, bagkus ay nagpapaalam lamang sa publiko batay sa impormasyong natanggap niya.

“Hindi ako namumulitika. I am talking to you as your President. There are things that which you must know sa aking trabaho and ito kailangan ilalabas ko kasi we are talking of elections, we are talking of our country and the next rulers, so to say, so to speak,” wika niya.

Sinabi ni Duterte na nilalayon niyang malaman lamang ng publiko ang kanyang nalalaman.

If you want to believe in me, if you still believe me, I will tell you. But if you reject it, kung ayaw ninyong maniwala, ang masasabi ko lang bahala kayo, tutal it’s your country, it’s not only mine, and kailangan may malaman kayo na alam ko. Why? Because I am the President and I get all information from everybody and not only that, from personal experience,” aniya.

Sinabi niya na ang isa sa mga kandidato ay “talagang hindi maaaring maging isang pangulo” habang ang isa pang kandidato ay maaaring ihalal na pangulo, ngunit “masyadong korap”.

“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” isinaad ni Duterte.

Sabi ko, ang magagawa ko is to charge him for corruption. It could be under the Revised Penal Code, or the Corrupt Practices Act,” dagdag niya.

Walang binanggit na pangalan si Duterte at idiniin na hindi siya naghahanap ng away lalo na ngayong nagreretiro na siya sa pulitika.

“Pero I feel that there are things which I would have to reveal to the Filipino people because it’s my job, to tell the truth. Wala akong karapatan not even—I am not given a privilege of whatever for lying,” giit ni Duterte.

Sa isang virtual Palace briefing, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, na alam ni Duterte ang mga diumano’y isyu tungkol sa presidential hopefuls dahil sa kanyang “malawak na hanay ng mga mapagkukunan ng impormasyon”.

“Bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, siyempre marami po siyang mga sources, vetted intel reports and other various sources at his disposal bilang Pangulo. So, abangan na lang po natin si Pangulo sa mga further pronouncement niya about that,” wika ni Nograles. 

LATEST

LATEST

TRENDING