PNP, pinalalakas ang anti-corruption drive gamit ang mga bagong alituntunin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) nitong Linggo ay naglabas ng mga alituntunin upang paigtingin ang kanilang kampanya laban sa katiwalian sa loob ng organisasyon.

Layunin ng bagong direktiba sa pamumuno ni PNP chief Gen. Dionardo B. Carlos na palakasin ang cleansing program sa mga tauhan ng pulisya upang masiguro ng publiko ang kanilang tiwala sa organisasyon.

Sa ilalim ng mga bagong patakaran, isang IAS desk ang itatatag upang himukin ang publiko na ipahayag ang kanilang mga hinaing at ibahagi ang mga nagawa ng mga tagapagpatupad ng batas.

Under this program, partner stakeholders can have an avenue to voice out their concerns, grievances as well as recognition for the good deeds of any personnel or unit,” wika ni Carlos.

Ang IAS desk ay magsisilbing sentralisadong imbakan ng lahat ng impormasyon na nauukol sa PNP at mga tauhan nito. Ang mga nakalap na datos ay dapat gamitin upang lumikha ng interbensyon upang matugunan ang mga isyu at alalahanin.

Tututukan din ng IAS ang mabilis at walang kinikilingan na disposisyon ng mga kasong administratibo laban sa mga tauhan ng PNP na sangkot sa graft at corrupt practices.

Kasama ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), isasagawa ang agarang administrative proceedings ng IAS para matukoy ang administratibong pananagutan ng mga naarestong tauhan ng PNP at kung ang ebidensya ay sapat na para matanggal sila sa serbisyo.

Magsasagawa rin ang PNP-AIS ng pinaigting na proactive inspection approach kung saan lahat ng PNP personnel ay isusumite ang kanilang mga sarili sa attendance checking, kabilang ang appearance at public impression evaluation.

Ang IAS ay nasa huling yugto na ng pagbalangkas ng mga pamamaraan at parameter ng State of Discipline kung saan lahat ng PNP units/stations ay maaari na ngayong mahigpit na magmonitor at magbigay gabay ng kani-kanilang tauhan upang maiwasan ang pagkakasangkot sa anumang ilegal na aktibidad tulad ng graft at corruption.

This is how the organization works. We continue to devise ways to better improve the system and to ensure that we remain committed to our mantra of serving and protecting the public with integrity,” sinabi ni Carlos, na binanggit na bilang mga alagad ng batas, ang pangunahing tungkulin ng PNP ay itaguyod ang panuntunan ng batas.

LATEST

LATEST

TRENDING