
MANILA – Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang mga tauhan at mag-aaral na lumahok sa pagbabakuna ng pambansang pamahalaan na ngayon ay ipinalawak sa populasyon ng mga bata.
“Vaccination is one of the essential keys towards protecting our communities and our children against the threats of Covid-19. With additional protection for our stakeholders, we can further implement our safe-return-to-schools initiatives while helping our economy recover,” sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones. “Together with our teachers and learners, DepEd will continue to be a part of our government’s whole-of-nation approach against Covid-19.“
Hinimok ng departamento ang mga field office at paaralan nito na makipagtulungan sa kani-kanilang local government units tungkol sa tuloy-tuloy na pagbabakuna para sa mga bata at education front-liners.
Simula sa huling quarter ng 2021, ang mga menor de edad na 12-17 taong gulang ay pinayagang makatanggap ng kanilang mga coronavirus shot.
Hinikayat din ni Briones ang mga guro at non-teaching personnel na magpa-booster shot kapag eligible na.
“We are reminding our personnel and offices to not wait since local government units are already vaccinating and giving Covid-19 jabs to their constituents,” aniya.
Samantala, sinabi ng departamento na ang mga umiiral na kaayusan sa paggamit ng mga paaralan bilang mga lugar ng pagbabakuna ay i-maximize.
Ang mga paaralan na dating ginamit bilang mga lugar ng pagbabakuna ay lubos na hinihikayat na muling buksan para sa pagbabakuna sa bata.





