PH, magtutuon sa Pfizer, Moderna para sa pediatric vaccination

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Uunahin ng gobyerno ang paggamit ng Pfizer at Moderna brands ng Covid-19 vaccines para sa pediatric vaccination program ng bansa, ayon sa National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., nitong Huwebes.

We have decided na yung other vaccine lang like yung Moderna and Pfizer iko-concentrate namin yun sa tinatawag nating pediatric vaccination, considering that it will also be used as boosters for 12 to 17 years old,” isinaad ni Galvez, ang vaccine czar, sa sideline ng ceremonial rollout ng “Resbakuna sa Botika” program ng gobyerno sa Pasig City.

Sinabi ni Galvez na inaasahan ng gobyerno ang pagtaas ng demand ng bakuna para sa pediatric vaccination dahil malapit na nilang simulan ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang.

We really have constraints with other [brand] of vaccines, considering that the other vaccines can only be used for primary series,” ani Galvez. “We only have two vaccines that can be used for 12 to 17 years old while only one vaccine brand for 5 to 11 years old.

Hinihintay din ng gobyerno ang emergency use authorization (EUA) ng Covid-19 jab para sa zero hanggang apat na taong gulang.

As of this moment nakikita namin na tataas ang requirement ng pediatric vaccination because starting already the 5-11 and later pagkanagkaroon na ng EUA ang 0-4, we will start it again so nakikita natin malaki ang requirement natin,” wika ni Galvez.

Isinasaalang-alang ng gobyerno na kumuha ng higit sa 60 milyon na formulated o mas mababang dosis na mga Covid-19 vaccine na ibibigay, bilang pangunahing serye at mga booster shot, sa isang mas batang populasyon.

Ang bansa, ani Galvez, ay mangangailangan ng 12 milyong dosis para sa 12 hanggang 17 taong gulang na bracket, higit sa 15.56 milyon para sa 5 hanggang 11 taong gulang gayundin ang 11.11 milyong dosis para sa mga sanggol at bata o 0-4 na populasyon.

Nauna nang sinabi ni Galvez na may 780,000 lower-dosed Pfizer vaccines para sa pinakabatang pangkat ng edad sa ngayon na inaasahang darating sa katapusan ng Enero, na susundan ng 1,632,000 doses ngayong Pebrero.

Idinagdag niya na ang aplikasyon ng EUA ng Sinovac Biotech Ltd. para sa 3 hanggang 17 taong gulang ay isinasagawa na ngayon.

LATEST

LATEST

TRENDING