
MANILA – Ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9, 2022 ay sinimulan noong Huwebes ng gabi, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez.
Ipinahayag ni Jimenez na ang unang set ng humigit-kumulang 60,000 balota na iimprenta ay para sa Local Absentee Voting (LAV).
“Printing of official Local Absentee Voting ballots will begin tonight (approximately 7 p.m.) at the National Printing Office (in Quezon City),” isinaad niya sa isang pahayag.
Idinagdag niya na ang susunod na mga balotang iimprenta ay 79,000 manual ballots para sa mga botante sa ibang bansa at pagkatapos ay humigit-kumulang 86,000 na balota para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“LAV, manual OFOV, and BARMM ballots are all manual ballots, i.e., no preprinted candidate names,” wika ni Jimenez.
Mahigit 67 milyong balota ang ipi-print ng poll body para sa pambansa at lokal na halalan.





