DOH: Pagtaas ng mga kaso sa Covid-19, naobserbahan sa ibang rehiyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Department of Health (DOH) nitong Martes na may tumataas na kalakaran sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa ibang rehiyon gaya ng naobserbahan sa National Capital Region (NCR).

Sa isang online media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga karatig lalawigan ng Metro Manila na Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ay nagpakita ng pagtaas ng mga kaso.

Mula po sa 153 cases a day noong unang linggo ng Disyembre tumaas na po ito sa 1,400 cases a day sa bandang dulo ng nasabing buwan,” aniya.

Idinagdag niya na ang pagtaas ng mga kaso sa ibang mga rehiyon ay hindi magiging isang nakahiwalay na kaso.

Ang mga lugar ng NCR Plus at ang buong Luzon ay nakitaan ng mas mataas na pagtaas ng mga kaso kumpara sa September 2021 surge dahil sa Delta variant.

Nasa ibaba ang mga lalawigan at lungsod sa ilalim ng Alert Level 3 na nakitaan ng katulad na pagtaas ng mga impeksyon na naobserbahan sa NCR:

Ang mga lugar na may mababang vaccination rates ay kailangan maghanda para sa kanilang mga hospital capacity. Eighteen out of 99 areas are Alert Level 3 and most of them have less than 40 percent vaccination rate,” wika ni Vergeire.

Samantala, ang NCR ay nagtala ng matinding pagtaas sa kanilang mga admission sa ospital na may 60 porsiyentong hospital bed utilization at 58 porsiyentong intensive care unit bed utilization.

Nauna rito, sinabi ng DOH na ang mga mahihinang miyembro ng populasyon ay uunahin sa pagpapaospital upang maprotektahan ang healthcare system ng NCR.

LATEST

LATEST

TRENDING