DOH: 15 lugar sa NCR, nagtala ng mga kaso ng Omicron

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sa kabuuan, 15 na lugar sa National Capital Region (NCR) ang nagtala ng mga kaso ng highly transmissible Omicron variant, ipinahayag ng isang opisyal ng kalusugan nitong Martes.

Our latest whole-genome sequencing showed that the Omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region,” sinabi ni Department of Health Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman sa isang congressional briefing.

Hindi niya tinukoy kung aling mga lugar sa NCR ang nagrehistro ng mga kaso ng Omicron.

Natukoy din ang variant sa 13 ng 17 rehiyon, na nagtutulak sa pagtaas ng mga impeksyon sa Covid-19.

However, the increased mobility and reduced adherence to minimum public health standards, as well as the delays in detection and isolation of cases, also contributed to the spike of infections,” aniya.

Noong Sabado, kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang community transmission ng Omicron coronavirus variant sa NCR kahit na ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ay hindi inaasahan hanggang sa susunod na buwan.

Nakapagtala ang NCR ng 13,543 kaso noong Lunes — mas mababa sa 15,959 noong Linggo at 18,422 noong Sabado.

Noong Enero 18, ang kabuuang bilang ng mga bagong impeksyon sa coronavirus sa bansa ay 28,471.

LATEST

LATEST

TRENDING