
MANILA – Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang retroactive testing at quarantine protocols para sa mga kwalipikadong biyahero na dumating sa bansa bago ang Enero 13, ayon sa Malacañang.
“In a resolution issued by the IATF on Saturday, January 15, testing and quarantine protocols for Green and Yellow List countries/territories/jurisdictions per IATF Resolution No. 157 shall now apply to those who arrived in all ports of entry in the Philippines on or before Jan. 13, 2022,” wika ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang pahayag.
Sinabi ni Nograles na inatasan din ng IATF-EID ang mga implementing agencies na “siguraduhin ang maayos na pagpapatupad ng mga protocol na ito na naglalayong suriin ang mga Pilipino at dayuhang mamamayan na pumapasok sa bansa mula sa ibang bansa.”
“Also, the IATF clarified that foreign nationals coming from ‘red list countries’ and allowed admission in the country under existing IATF rules may enter the Philippines provided they have valid or existing visas,” wika ni Nograles.
Binigyang-diin din ng IATF, aniya, na ang kanilang pagpasok ay napapailalim sa Philippine immigration laws, rules, at regulations.
Noong Biyernes, sinabi ni Nograles na inalis na ng gobyerno ang entry ban sa mga Pilipinong biyahero na nagmumula sa mga bansang nasa ilalim ng “red list” mula Enero 16 hanggang 31.
Ang mga bansang inilagay sa ilalim ng red list ay Antigua at Barbuda, Aruba, Canada, Curacao, French Guiana, Iceland, Malta, Mayotte, Mozambique, Puerto Rico, Saudi Arabia, Somalia, Spain, at US Virgin Islands.
“Napagdesisyonan na kahit sa red list countries na mga Filipinos, we will now allow them to come in as long as they comply with the red list protocols. Hindi na kailangan maghintay ng Bayanihan flights from these countries,” aniya sa isang Palace briefing.
Dati, tanging ang mga Pilipino mula sa mga red list na bansa na bumalik sa pamamagitan ng Bayanihan flights o repatriation efforts ang exempted sa travel ban.
Gayunpaman, ang mga hangganan ng bansa ay nananatiling sarado sa mga dayuhang turista mula sa mga bansang “red list”.
Sinabi ni Nograles na kailangang magpakita ng negatibong reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) Covid-19 test ang mga ganap na nabakunahan na manlalakbay na nagmumula sa mga red list na bansa 48 oras bago umalis sa bansang pinanggalingan; sumailalim sa facility-based quarantine na may RT-PCR Covid-19 test sa ikapitong araw; at kumpletuhin ang home quarantine hanggang sa ika-14 na araw mula sa kanilang pagdating sa Pilipinas sa sandaling magkaroon sila ng negatibong resulta.
Samantala, sinabi ni Nograles na ang mga manlalakbay na hindi nabakunahan, bahagyang nabakunahan, o mga indibidwal na ang status ng pagbabakuna ay hindi maaaring ma-validate ay kinakailangang magpakita ng negatibong RT-PCR test na kinuha sa loob ng 48 oras bago umalis sa bansang pinagmulan; at sumailalim sa facility-based quarantine na may RT-PCR Covid-19 test sa ikapitong araw.
Maaari lamang silang ma-discharge kapag natapos na ang 10-araw na facility-based quarantine, kahit pa man mag-resulta ng negative ang RT-PCR, at kailangang sumailalim sa home quarantine hanggang sa ika-14 na araw mula sa kanilang pagdating sa Pilipinas.
Samantala, nasa ilalim ng green list mula Enero 16 hanggang 31 ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, China, Cote d’ Ivoire, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, The Gambia, Ghana, Guinea, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Kosovo, Kyrgyzstan, Montserrat, Morocco, Niger, Oman, Pakistan, Paraguay, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Barthelemy, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Timor-Leste, at Uganda.
Lahat ng mga bansa at teritoryong hindi kasama sa green o red list ay inilalagay sa yellow list. Sa ilalim ng klasipikasyong isinagawa ng IATF-EID, ang mga green list na mga bansa ay ang mga itinuturing na “low risk” para sa Covid-19, ang mga bansang nasa yellow list ay ang mga “moderate risk”, habang ang mga bansang nasa red list ay itinuturing na “high risk”.





