DepEd inirerekomenda ang pagpapalawak ng limitadong F2F classes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inirerekomenda at “matinding itinutulak” ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalawak ng limitadong face-to-face classes, inihayag ng isang opisyal ng edukasyon nitong Biyernes.

Sa isang televised public briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang pilot run ng limitadong in-person classes sa mga piling pampubliko at pribadong paaralan sa mga lugar na itinuturing na low risk para sa coronavirus ay “napakamatagumpay”.

“Hinihintay nalang natin ‘yung ating pagpupulong with DOH [Department of Health] on the Covid outlook, but overall, our consolidated report that we’re set to submit to the Office of the President ay naging matagumpay ‘yung ating pilot face-to-face [classes],” aniya.

Bukod sa assessment, sinabi ni Malaluan na sinuri rin ng departamento ang mga mag-aaral, guro at magulang na lumahok sa pilot run, na nagbunga ng mga positibong tugon mula sa mga respondent.

We assessed for overall attendance of the participants, 83 percent overall, feeling of safety ng mga bata at saka ng mga magulang, mga guro, ay mataas din ang kanilang feedback in the 90s level of the respondents, they felt safe during the conduct of the pilot face-to-face, the satisfaction with the implementation of health and safety protocols is also high,” aniya.

Ang mga mag-aaral, mga magulang at guro ay nagtitiwala din sa kontribusyon ng harapang klase sa positibong pagkatuto.

Dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19, nagtatanong ang ilang magulang at guro kung magpapatuloy ang DepEd sa expansion phase ng limitadong in-person classes.

Sa kasalukuyan, ilang mga paaralan lalo na ang mga nasa pribadong sektor ang nagdeklara ng academic break dahil marami sa kanilang mga mag-aaral at guro ang nakakaranas ng mga sintomas na mala-flu.

Bagama’t alam na ng DepEd ang mga paaralang nasa academic break, hindi pa nito naibibigay ang kabuuang bilang ng mga paaralang ito dahil hindi pa nito pinagsama-sama ang mga kinakailangang ulat sa pagsususpinde ng mga klase.

“Ang isang naapektuhan ay ‘yung expansion phase nitong face-to-face classes, base doon sa naging liham sa atin ng DOH na sana not earlier than January 15,” wika ni Malaluan.

Dagdag pa niya, maglalabas ang DepEd ng detalyadong plano sa pagpapalawak ng face-to-face classes pagkatapos ng pakikipagpulong sa DOH ngayong Lunes.

LATEST

LATEST

TRENDING