
MANILA – Nagpataw ang gobyerno ng limitasyon sa bilang ng ilang uri ng mga gamot na maaaring bilhin ng isang indibidwal o sambahayan habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga mild coronavirus cases na naka-isolate sa bahay.
Sa isang televised Palace briefing, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang Department of Health (DOH) at ang Department of Trade and Industry (DTI) ay naglabas ng joint memorandum na naglalagay ng purchase limit o cap para sa paracetamol, phenylephrine hydrochloride, carbocisteine , at chlorphenamine maleate paracetamol.
Ang makatwirang limitasyon sa pagbili para sa mga naturang gamot, tulad ng nakasaad sa DOH-DTI Joint Memorandum Circular No. 22-01 series of 2022, ay nakalista sa ibaba:

“Nakasaad rin sa joint memorandum na ito na bawal ang online selling ng nasabing gamot unless otherwise permitted by the FDA [Food and Drug Administration],” wika ni Nograles.
Ang mga indibidwal na lalabag sa memorandum ay paparusahan sa ilalim ng mga naaangkop na probisyon ng Price Act, Consumer Act of the Philippines, at iba pang nauugnay na batas.
Una rito, tiniyak ng DOH sa publiko na walang kakapusan sa mga gamot na nakasaad sa memorandum, ngunit kinumpirma nito ang pagtaas ng demand para sa mga ito ngayong panahon ng trangkaso.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) Secretary na ang mga supply ng paracetamol at iba pang mga gamot sa trangkaso sa mga botika ay magsisimulang mag-normalize habang ang mga gumagawa ng mga gamot na ito ay nagsimulang maghatid ng mga supply sa mga drug stores.
Idinagdag ni Trade Secretary Ramon Lopez na dahil sa pagtaas ng demand para sa paracetamol at gamot sa trangkaso pagkatapos ng Bagong Taon, ang mga parmasya ay nag-order ng tatlong beses na higit pa sa kanilang mga karaniwang order ng mga gamot na ito.





