CHED: HEIs sa Alert Level 3 na lugar, maaaring magsimula ng klase sa Jan. 31

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Kinumpirma ni Commission on Higher Education (CHED) Chair J. Prospero de Vera III nitong Miyerkules na ang higher education institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 ay maaaring magsimulang magsagawa ng limitadong face-to-face (F2F) classes sa Enero 31 depende sa sitwasyon ng Covid- 19.

Kasunod nito, naglabas ang CHED ng advisory noong Martes ng gabi na nagsasaad na ang mga HEI na matatagpuan sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 3 ay maaaring magsimulang magpatupad ng limitadong physical classes para sa lahat ng degree program sa katapusan ng buwan.

Ang advisory ay binatikos ng mga netizens dahil patuloy na tumataas ang mga kaso ng Covid-19 sa buong bansa.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni de Vera na ang Enero 31 ang pinakamaagang posibleng petsa kung kailan maaaring ipagpatuloy ng mga HEI ang kanilang mga klase.

Hopefully, by January 31, you have a better grip on the data, makikita natin kung pababa na [ang Covid cases]. Kung mabagal ang pagbaba, ang magiging desisyon dapat nila ay mag-adjust doon sa conditions on the ground,” aniya.

May mga pampublikong unibersidad sa National Capital Region na inilipat sa susunod na buwan ang pagbubukas ng kanilang pisikal na mga klase kahit hanggang Enero 15 lamang ang paglalagay nito sa Alert Level 3, dagdag niya.

Ipinagpaliban ng mga HEI sa Eastern Visayas at Caraga regions ang pagsisimula ng klase habang patuloy silang nakabangon mula sa pinsalang iniwan ng Bagyong Odette noong Disyembre ng nakaraang taon.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang isang “phased” limited in-person classes para sa lahat ng degree program noong Nobyembre 2021.

Pinahintulutan nito ang HEIS sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 na magsagawa ng mga pisikal na klase simula Disyembre.

LATEST

LATEST

TRENDING