Comelec inilista ang 11 presidential bets sa 2022 polls list

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Labing-isang presidential aspirants ang kasama sa kasalukuyang tentative list ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 2022 polls.

Batay sa listahan nitong Miyerkules, ang mga aspirante na nakapasok sa listahan kamakailan ay sina Abella, Ernie; Arcega, Gerald; De Guzman, Leody; Domagoso, Isko Moreno; Gonzales, Norberto.

Kasama rin sa listahan sina Lacson, Ping; Mangondato, Faisal; Marcos, Bongbong; Montemayor, Jose Jr.; Pacquiao, Manny Pacman at Robredo, Leni.

Para sa vice presidential aspirants, may siyam na pangalan — Atienza, Lito; Bello, Walden; David, Rizalito; Duterte, Sara; Lopez, Manny SD; Ong, Doc Willie; Pangilinan, Kiko; Serapio, Carlos at Sotto, Vicente.

Sa kabilang banda, nasa 64 na ngayon ang tentative number ng senatorial aspirants.

Hindi pa nakakagawa ang poll body ng pinal na listahan ng mga pambansa at lokal na kandidato kabilang ang mga party-list group dahil may mga nakabinbing kaso pa rin sa kani-kanilang kandidatura.

LATEST

LATEST

TRENDING