Hotel sa ‘Poblacion Girl’ fiasco sinuspinde, pinagmulta

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng isang Makati hotel at binawi ang permit nito bilang multiple-use hotel dahil sa kabiguan nitong pigilan ang isang guest sa paglabag sa quarantine protocols. 

Pinagmulta rin ang Berjaya Makati Hotel na katumbas ng doble ng rack rate ng pinakamahal nitong kwarto, sinabi ng DOT sa isang pahayag nitong Miyerkules.

Inaprubahan ng Tourism Regulation, Coordination and Resource Generation ng DOT ang mga parusa na inirerekomenda ng DOT – National Capital Region.  

Nagmula ang isyu sa mga aksyon ng nagbabalik na Pilipino na si Gwyneth Chua, na binansagang “Poblacion Girl” sa social media dahil nakita siya sa Poblacion, Makati City, na dapat ay naka-quarantine sa hotel.

Sa kanilang tugon na may petsang Enero 1, inamin ni Berjaya na Nakita sa CCTV footage na umalis si Chua sa hotel ng 11:45 p.m., o 15 minuto pagkatapos mag-check in sa kanyang pagdating noong Disyembre 22. 

Ni ang mga tauhan ng seguridad ng hotel o ang front lobby ay hindi tumawag sa kanya ng pansin, at walang anumang pagsisikap na iulat ang insidente sa Bureau of Quarantine (BOQ), kahit na pagkatapos ng kanyang pagbabalik makalipas ang tatlong araw.

Kalaunan ay nakita siya sa mga social media posts sa isang bar sa Poblacion.

Si Chua, na naka- iskedyul para sa mandatory five-day quarantine sa hotel hanggang Disyembre 27, ay bumalik noong gabi ng Disyembre 25. Sumailalim siya sa swab test noong Disyembre 26. Nagpositibo ang kanyang resulta kinabukasan.  

Isang kopya ng desisyon ang inihain sa Berjaya Hotel, na mayroong 15 working days para iapela ito.

Ang desisyon ng departamento ay ibinigay na sa Department of Health (DOH), BOQ, One-Stop Shop Management of Returning Overseas Filipinos of the Department of Transportation – Office of Transportation Security (DOTr- OTS), Department of the Interior and Local Government ( DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Trade and Industry (DTI), at Makati local government unit (LGU).

Sa kanilang liham na may petsang Disyembre 28, tiniyak pa ng Berjaya na ang mga naka-quarantine na bisita ay “sumusunod sa mahigpit na protocol.”

Gayunpaman, kalaunan ay humingi ng paumanhin ang Berjaya sa mga news report at social media para sa kanilang kabiguan na iulat ang “quarantine skipping incident” sa BOQ.  

Ang mga pahayag at public apology na ginawa ng pamunuan ng hotel ay “isang pag-amin hindi lamang sa mga katotohanan ng insidente kundi pati na rin sa kanilang mga pagkukulang sa kanilang responsibilidad bilang isang akreditadong establisyimento ng Department of Tourism,” ayon sa desisyon.

LATEST

LATEST

TRENDING