Marcos-Duterte team, sinuspinde ang mga caravan sa Metro Manila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinagpaliban ng UniTeam camp ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte ang lahat ng aktibidad sa panahon ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Sa isang pahayag noong Lunes, sinabi ng tagapagsalita at abogado ni Marcos na si Vic Rodriguez, na iniutos ng presidential candidate ang pagpapaliban sa lahat ng aktibidad hanggang Enero 15.

Matapos magpositibo sa Covid-19 ang mahigit 20 kawani, pansamantalang isinara ang BBM-Sara UniTeam headquarters sa Mandaluyong City hanggang sa susunod na abiso.

However, campaign preparations and other administrative functions of the UniTeam will proceed non-stop through work-from-home arrangements and virtual meetings of the concerned staffers and campaign personnel,” wika ni Rodriguez.

Pinayuhan ng UniTeam ang mga tagasuporta nito sa buong bansa na magpigil sa sarili at iwasan ang pagdaraos ng unilateral na kampanya at mga gawaing pampulitika na maaaring magresulta sa higit pang paglaki ng mga kaso ng Covid-19.

Bilang isang patakaran, ang punong tanggapan ng kampanya ay nagre-require ng lahat ng mga bisita at kawani na sumailalim sa mga antigen tests nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang linggo.

Pinuri ni James Jimenez, Commission on Elections spokesperson, ang desisyon ng UniTeam.

Credit where credit is due, this is a laudable move. It would be epic, however, if the suspension of public appearances, sorties, and assemblies were until February 8, 2021,” aniya sa kanyang Twitter account na @jabjimenez.

LATEST

LATEST

TRENDING