Bar exam itutuloy sa Enero 23 at 25

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Itutuloy ang Bar Examination ngayong buwan sa gitna ng mga panawagan na kanselahin ito sa ikatlong magkasunod na taon dahil sa pandemya at pagkawasak na dulot ng Bagyong Odette noong Disyembre.

Inihayag ng Supreme Court (SC) nitong Martes na ang Bar exam na may binagong saklaw ay gaganapin sa Enero 23 at 25, kung saan ang mga examinees ay kukuha ng apat na hanay ng mga pagsusulit, pro hac vice (para sa okasyong ito lamang).

Sa unang pagkakataon, isasagawa ang pagsusulit sa maraming lokasyon.

Ang mga nakaraang Bar exam ay ginanap sa loob ng apat na Linggo na may tig-dalawang asignatura at ginanap sa Unibersidad ng Santo Tomas nitong mga nakaraang taon.

Bago ang anunsyo, gaganapin sana ang Bar exam sa Enero 16, 23, 30, at Pebrero 6.

In view of the Covid-19 pandemic, fueled by its new dominant variant (Omicron), and the effects of Typhoon Odette, the Supreme Court, upon the recommendation of the Bar Chairperson, has resolved to reduce the coverage and shorten the duration of the 2020/21 bar examination,” sinabi ng SC sa isang pahayag, na tumutukoy sa en banc resolution.

Dapat mag-quarantine ang mga examinees simula Enero 9, o hindi bababa sa dalawang linggo bago ang Bar Exam.

Sa ilalim ng bagong multiple sites system, pipili ang mga aplikante ng kanilang lokal na lugar ng testing center.

Ang mga aplikante mula sa malalayong lugar ay binigyang priyoridad.

Sa huling pagkakataon na ginanap ang Bar exam noong 2019, may kabuuang 2,103 ang pumasa sa 7,685 na umaasa.

Mae Diane Azores ng Unibersidad ng Sto. Tomas – Legazpi (dating Aquinas University) ang huling topnotcher na may markang 91.05 percent.

The Philippines has produced no lawyer since the pandemic. But while the Bar Examination may no longer be postponed, it can be held in a way that is more humane. With these changes, the Court strikes that balance,” ayon sa isang pahayag ng SC.

LATEST

LATEST

TRENDING