Duterte nilagdaan ang P5.024-T para sa 2022 nat’l budget

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Huwebes bilang batas ang PHP5.024 trilyong pambansang badyet para sa 2022, na gagamitin para sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic sa bansa at mga pagsisikap sa pag-rekober matapos ang pananalanta ng Bagyong Odette.

Nilagdaan niya ang 2022 national budget sa isang seremonya sa Rizal Hall sa Malacañang Palace, na sinaksihan ng mga piling miyembro ng House of Representatives at Senado.

Ang PHP5.024 trilyong badyet sa susunod na taon ay mas mataas ng 11.5 porsyento kaysa sa PHP4.5 trilyong pambansang badyet ngayong taon.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), PHP6 bilyon sa PHP10 bilyon na pondong ipinangako ni Duterte para sa pag-rekober ng mga lugar na nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao ay kukunin sa 2022 national budget

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na ang pagpasa ng 2022 national budget ay muling nagpapatibay sa pangako ng gobyerno sa pagbibigay ng “mas komportable at produktibong buhay para sa bawat Pilipino”.

This will also cement this administration’s legacy of real change for future generations guided by the three main pillars of building resiliency amidst the pandemic, sustaining the momentum towards recovery, and continuing the legacy of infrastructure development,” aniya.

Dahil ang paglagda ng budget sa susunod na taon ay kasabay ng Rizal Day, hinikayat ni Duterte ang mga Pilipino na tularan ang kanyang kabayanihan at katapangan sa pamamagitan ng “paglilingkod sa bansa nang may dedikasyon, integridad, pananagutan, at sa pamamagitan ng paggawa ng tama at makatarungan” para sa mga tao.

There is no better way to serve the Filipino people than by giving them an honest, efficient, and responsive government that they deserve,” idinagdag niya.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga miyembro ng Kongreso sa pagtiyak sa napapanahong pagpapatibay ng budget bill gayundin sa mga pagsisikap ng mga ahensya ng gobyerno, mga kasosyo mula sa civil society, at iba pang mga civil servant na nakibahagi sa paggawa ng batas.

Indeed, the passage of the General Appropriations Act of 2022 reflects the healthy collaboration among all branches of government which is crucial to the attainment of our National Development Goals, especially during these trying times,” aniya.

Sa parehong programa, nilagdaan din ni Duterte ang RA 11641 na kilala bilang “An Act Creating the Department of Migrant Workers”.

Inihayag din na dati nang nilagdaan ni Duterte ang RA 11640 na pinamagatang, “An Act Extending the Availability of the 2021 Appropriations to December 31, 2022, Amending for the Purpose Section 62 of the General Provisions of Republic Act No. 11518, the General Appropriations Act of Fiscal Year 2021”.

Pag-aalala sa Omicron

Samantala, nagpahayag si Duterte ng pagkabahala sa “banta” ng Omicron variant ng Covid-19 dahil ito ay pinaniniwalaang mas madaling maililipat kaysa sa iba pang mga variant.

It’s just a little bit worrisome but takot ako nitong Omicron because pumuputok na sa lahat ng bayan sa buong mundo,” wika niya.

Nangangamba siya na muling maubusan ang badyet sa susunod na taon sakaling umabot sa nakakaalarma ang mga kaso ng Covid-19.

I’m leaving the office in a few months, natatakot lang ako yung response na naman natin and how it would intrude into the budget,” idinagdag niya.

Hinimok din ni Duterte ang Kongreso na magpasa ng mga batas na makakatulong sa bansa na harapin ang kasalukuyang krisis sa kalusugan.

I hope Congress, the lower and upper house, would…eventually Congress would be the one who would…you have to pass the laws needed to cope up with this new problem looming on the horizon,” aniya.

LATEST

LATEST