Duterte nilagdaan ang batas na lumilikha ng Department of Migrant Workers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Huwebes ang isang batas na naglalayong mapabuti ang koordinasyon ng mga ahensyang may kinalaman sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at OFW affairs.

Sa isang seremonya sa Rizal Hall sa Malacañang Palace, nilagdaan ni Duterte ang Republic Act 11641 na kilala rin bilang “An Act Creating the Department of Migrant Workers”.

Inihalintulad ni Duterte ang mga OFW sa pambansang bayani ng bansa, si Jose Rizal, sa pagiging lifeline ng ekonomiya ng Pilipinas.

The establishment of the Department of Migrant Workers happens on the celebration of Rizal Day. May we honor not only the exceptional love for country of Dr. Jose Rizal, but also the patriotism, excellence, courage of our modern-day heroes including our overseas Filipinos,” sinabi niya sa kanyang talumpati.

Ang paglikha at pagtatatag ng Department of Migrant Workers ay isa sa mga prayoridad ni Duterte matapos niyang i-certify ito bilang urgent bill noong Marso.

Paulit-ulit na itinulak ni Duterte ang pagpasa ng isang panukalang batas na nag-uutos sa paglikha ng Department of Migrant Workers, at binanggit ito sa kanyang huling State-of-the-Nation Address noong Hulyo 26 ngayong taon.

I also ask Congress to pass a law creating the Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos kailangan po ito (we need this) because they are suffering not on — they suffered not only yesterday but they are still suffering now with so many inadequacies, in both our government response including the monetary assistance — to ensure that there is a department that is solely focused on addressing the needs and taking care of the welfare of our countrymen abroad,” aniya.

Inaasahang makikinabang sa Department of Migrant Workers ang tinatayang 2.2 milyong Pilipino sa ibang bansa, batay sa 2019 Survey on Overseas Filipinos na inilabas noong 2020 ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa parehong kaganapan, nilagdaan din ni Duterte bilang batas ang PHP5.024 trilyon na pambansang badyet para sa 2022, na gagamitin para sa pagtugon ng Covid-19 pandemic at mga operasyon sa pag-rekober pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Nauna niyang nilagdaan ang RA 11640 na pinamagatang, “An Act Extending the Availability of the 2021 Appropriations to December 31, 2022, Amending for the Purpose Section 62 of the General Provisions of Republic Act 11518, the General Appropriations Act of Fiscal Year 2021”.

LATEST

LATEST