Duterte: ‘Hindi ako nakinabang kahit isang sentimo’ mula sa kampanya laban sa iligal na droga

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na ang kampanya ng kanyang administrasyon laban sa iligal na droga ay inilunsad para sa mamamayang Pilipino, at hindi para sa kanyang pansariling pakinabang.

Muling iginiit ni Duterte na haharap lamang siya upang litisin at kasuhan ng isang Pilipinong hukom sa korte ng Pilipinas at hindi ng “mga puting tao” sa The Hague-based International Criminal Court (ICC).

I’m not threatened when they threaten to send me to prison. But what I don’t want is to be tried and prosecuted by white people in the Hague Court and be imprisoned there, too,” aniya sa talumpati sa Bais City, Negros Oriental.

Binatikos niya ang ICC sa pakikialam sa mga usapin ng Pilipinas.

I will never consent to be judged by white people. Do they think I’m crazy? Why are they interfering with our laws?” idinagdag niya.

Iginiit ni Duterte na wala siyang napala sa kampanya ng kanyang administrasyon laban sa iligal na droga.

Remember this, okay? Everything that I have ever done as President, I never gained a single cent. I only did that for you, to save your children from the perils of drug addiction. Once they get hooked on that, their brain will begin to shrink,” aniya.

Sinabi niya na ang pagkalulong sa droga ay sumira sa buhay ng mga tao at naging mga kriminal.

That’s how it would start until you start doing holdups, killing people. That’s why I said that this is for the Filipinos. I have nothing to gain from that,” idinagdag niya.

Sa isang talumpati sa Zamboanga noong Disyembre 2, sinabi ni Duterte na maaaring nabigo siyang ganap na mapuksa ang iligal na droga at kriminalidad ngunit ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya sa oras na mayroon siya.

For as long as there are men on this planet, there will always be misdeeds and wrongdoings committed by a human being. Be that as it may, sinabi ko I tried my best and hindi ko naman sabihin na ano pero mukhang nakumpleto ko halos lahat nang ipinangako ko sa taong bayan,” aniya.

Inihayag ng ICC noong Setyembre na naglunsad ito ng imbestigasyon sa drug war ng administrasyong Duterte at sa Davao City ng umano’y Davao Death Squad mula 2011 hanggang 2016.

Noong Nobyembre, pormal na hiniling ng Pilipinas kay ICC prosecutor Karim Khan na ipagpaliban ang pagsisiyasat nito sa mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan, na binanggit na iniimbestigahan na ng gobyerno ang mga krimeng ito.

Ang ICC ay “pansamantalang sinuspinde” ang imbestigasyon ngunit hiniling sa gobyerno ng Pilipinas na magbigay ng “pagpapatibay na impormasyon” sa mga paglilitis na binanggit nito nang ito ay humingi ng pagpapaliban sa pagsisiyasat.

LATEST

LATEST

TRENDING