
MANILA – Bahagyang tumaas ang Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong mga nakaraang araw sa 0.77 mula Disyembre 16 hanggang 22, pahayag ng OCTA Research Group nitong Biyernes.
Sa pinakahuling ulat nito, sinabi ng grupo na ang positivity rate ng rehiyon ay pinakamababa sa 0.62 mula Disyembre 12 hanggang 18.
“This uptick in positivity rate may be dismissed as merely an effect of the holidays. On the other hand, this could also be the beginning of a change in the trend,” pahayag ng OCTA.
Gayunpaman, sinabi nito na ang isang malinaw na larawan ng sitwasyon ay hindi pa makikita hanggang sa unang linggo ng Enero 2022 dahil sa pagbaba ng testing sa panahon ng kapaskuhan.
Sa isang tweet, sinabi ni Dr. Guido David na ang pagtaas ng rate sa holiday ay maaaring dahil sa tumaas na bilang ng mga social gatherings.
“This is not a cause of panic, but we must continue to follow public health standards while enjoying the holidays,” idinagdag niya. “We will re-evaluate the situation in one to two weeks.”





