Duterte idineklara ang state of calamity sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Idineklara ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Martes ang state of calamity sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette, partikular ang Mimaropa (Region 4-B), Western Visayas (Region 6), Central Visayas (Region 7), Eastern Visayas (Region 8), Northern Visayas Mindanao (Rehiyon 10), at Caraga (Rehiyon 13).

Nilagdaan ni Duterte ang deklarasyon sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

The declaration of a state of calamity will hasten the rescue and relief and rehabilitation efforts of the government and the private sector including kung saan galing tulong, be it outside or tayo-tayo lang. This will also be an effective mechanism to control the prices of goods and commodities in the areas,” aniya.

Nitong Martes ng umaga, iniulat ng NDRRMC ang bilang ng nasawi sa 156, kung saan 37 ang nawawala at 275 ang nasugatan.

Ang pinsala sa imprastraktura ay unang tinatayang nasa PHP449 milyon, sinabi ng Department of Public Works and Highways.

LATEST

LATEST

TRENDING