DOLE: Mga araw ng FB scammers, bilang na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Muling binatikos ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo ang utak sa likod ng mapanlinlang na paggamit ng pekeng Facebook (FB) account para sa kanilang pansariling pakinabang at para lokohin ang mga biktima gamit ang pangalan ni Secretary Silvestre Bello III.

Sa loob ng maraming buwan, ginagamit ng mga scammer ang bogus na FB account na “Silvestre H. Bello III” para lokohin ang mga walang kamalay-malay na biktima ngunit sinabi ng hepe ng DOLE na malapit na silang mahuli ng batas.

Ang National Bureau of Investigation ay nakatutok sa ilang mga suspek at maaaring ilantad ang pagkakakilanlan ng mga scammer.

Our law enforcers are doing a great job. Arrests can be made earlier than expected,” sinabi ni Bello sa isang news release.

We renew our warning to those behind this nefarious scheme of soliciting gifts, in cash and in kind, that the long arm of the law will eventually catch up with them. Stop now and spare friends, acquaintances, and ordinary netizens from your evil designs,” idinagdag niya.

Humingi ng suporta ang mga scammer sa pamamagitan ng bogus na account para sa community pantry ng labor chief at para matulungan siya sa kanyang pagtakbo sa Senado.

Si Bello ay hindi naghahangad ng puwesto sa Senado o anumang pampublikong opisina.

Ang mga scammer ay nagpatuloy sa pag-anunsyo na si Bello ay namamahagi ng toneladang bigas bilang tulong ngunit ang mga tatanggap ay dapat balikatin ang mga bayarin sa pagpapadala.

Sa lahat ng mga scheme, ang mga magiging biktima ay hiniling na magdeposito sa ilang mga bank account.

Ang ilan sa mga kaibigan ni Bello ay na-obligang magbigay ng malalaking halaga.

Given that this has become deliberate, the scam is seemingly intended to also damage my reputation,” wika ni Bello.

For the nth time, the public is advised that I don’t maintain an account in Facebook by the name SILVESTRE H. BELLO III. This is fake,” aniya, na pinayuhan pa ang publiko na huwag pansinin ang pekeng account.

LATEST

LATEST

TRENDING