Palasyo: Duterte, maglalaan ng mas maraming oras sa pamilya pagkatapos ng termino

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tatamasahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribilehiyo ng pagiging isang pribadong mamamayan at gugugol ng mas maraming oras sa kanyang pamilya kapag natapos ang kanyang termino sa Hunyo 22, ipinahayag ng Malacañang noong Miyerkules.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pag-atras ni Duterte sa pagka-senador ay isang “personal na desisyon”, lalo na’t apat na dekada na ng kanyang buhay ay naglilingkod sa publiko.

It’s really to spend time with his family after more than four decades ng serbisyo sa taumbayan. As prosecutor all the way up to being mayor, vice mayor, a member of Congress, back to vice mayor then mayor, then now, as president of the Republic of the Philippines – now he wants to spend time, more time with his family,” aniya sa isang Palace press briefing.

Aminado si Nograles na may mga supporters pa rin na kumukumbinsi sa kanya na tumakbo sa public office. Gayunpaman, sinabi niyang nakapagdesisyon na si Duterte.

Even after he filed, di ba maraming mga kandidato, political parties are already endorsing him for Senate. So, marami talaga, nandoon iyong pressure na gusto nila magpatuloy si Pangulong Duterte but at the end of the day, it is always personal choice for any who runs or files candidacy in whatever position,” idinagdag niya.

Bukod sa gustong gumugol ng mas maraming oras kasama ang pamilya, sinabi ni Nograles na ang pag-atras sa pagka-senador ay magbibigay-daan kay Duterte na unahin ang pagtugon sa COVID-19 ng bansa.

“Dahil po hindi na siya kandidato for any position this coming elections, he can focus more on the Covid response, he can focus more on safely reopening our economy, he can focus more on continuing if not even stepping up more of the public service,” wika niya.

Idinagdag niya na titiyakin din ni Duterte ang isang “mapayapa, transparent, at patas” na national at local elections sa Mayo 2022.

Dominant pa rin

Samantala, ipinahayag ni Nograles optimismo na ang Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) nananatiling sumusuporta sa desisyon ni Duterte na bawiin ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador.

“Yung PDP-Laban will continue to support President Rodrigo Duterte in this decision and in whatever decisions that he will have in terms of his governance, in terms of public service, all the way up to the end of his term as president, PDP-Laban will continue to stand by the President,” aniya.

Sa kabila ng pag-atras nina Duterte at Senator Christopher “Bong” Go mula sa kani-kanilang 2022 election bids, sinabi ni Nograles na naniniwala siyang mananatiling dominanteng political party ang PDP-Laban.

And PDP-Laban will also continue to be the dominant political party, based on law and jurisprudence, for the 2022 national and local elections,” idinagdag niya.

Ang pag-atras ni Duterte ay matapos iendorso ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang kandidatura para sa Senado sa ilalim ng sarili nitong partido, ang Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Nauna nang sinabi ni Sara, na kasalukuyang tumatakbo bilang bise presidente, na suportado niya ang desisyon ng kanyang ama na umatras sa pagka-senador.

LATEST

LATEST

TRENDING