
MANILA – Kailangan pa rin ng gobyerno na makapagbakuna ng 12 milyong indibidwal laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) para makamit ang yearend target para sa vaccination drive nito, ipinahayag ng isang health official nitong Miyerkules.
“Our target is to reach 54 million fully vaccinated individuals. We have 42 million fully vaccinated so far, so we still have to fully vaccinate 12 million [people],” sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang pampublikong briefing sa telebisyon.
Ang ikalawang round ng “Bayanihan, Bakunahan” vaccination drive ay nagsimula noong Miyerkules at magtatapos sa Biyernes.
Gayunpaman, ipinagpaliban ng gobyerno ang pagbabakuna sa Visayas, Mindanao, Mimaropa, at Bicol Region mula Disyembre 20 hanggang 22 dahil sa Bagyong Odette.
“The primary vaccination remains very important because that is the first battleground and it is our first layer of protection,” wika ni Cabotaje.
Idinagdag niya na ang pamahalaan ay naglalayong makapagbakuna ng pitong milyong indibidwal sa ikalawang round ng national vaccination.
Samantala, ang target ng gobyerno sa National Capital Region ay makapagbigay ng maraming booster shot hangga’t maaari.
Batay sa mga alituntunin, ang mga booster shot ay maaaring ibigay anim na buwan pagkatapos ng pangalawang dosis ng pangunahing serye ng mga bakuna sa Covid-19 at tatlong buwan pagkatapos ng single-dose na Janssen.
Sinabi ni Cabotaje sa publiko na naniniwala ang gobyerno na maabot ang target nitong mabakunahan ang pitong milyong indibidwal.
“We have enough vaccines and we will have enough for our booster shots. For shelf life, be rest assured all our vaccines are safe, effective, and monitored by the Food and Drug Administration,” aniya.
Target ng gobyerno na ganap na mabakunahan ang 77 milyong indibidwal sa Marso 2022.





