PRRD, pormal na umatras sa 2022 senatorial bid

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Personal na isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang kanyang statement of withdrawal sa pagka-senador sa May 2022 national at local elections.

Batay sa statement of withdrawal, natanggap ng Commission on Elections (Comelec) law department ang dokumento noong 4:59 p.m.

Kasama ni Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea sa Comelec main office sa Intramuros, Manila.

Nagsumite siya ng kanyang statement of withdrawal ilang oras matapos bawiin ng kanyang dating aide na si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagkapangulo.

Noong Nobyembre 15, si Duterte ay naghain ng kanyang COC para sa pagka-senador, sa tulong ng abogadong si Melchor Aranas.

Si Duterte ay isang substitute candidate sa pagka-senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan party.

Kinumpirma ng Malacañang ang pag-atras ni Duterte sa Senate race, at sinabing magbibigay-daan ito sa kanya na mas tumutok sa pamamahala at pagtugon sa pandemya ng bansa at mapanatili ang pag-unlad para sa ligtas na muling pagbubukas ng ekonomiya.

President Rodrigo Roa Duterte this afternoon filed his statement of withdrawal at the Commission on Elections (COMELEC) and will no longer be running for Senator in the May 2022 national elections,” wika ni acting presidential spokesperson Secretary Karlo Nograles sa isang press statement.

Ayon kay Nograles, tinitingnan ni Duterte ang kanyang hakbang bilang isang pagkakataon na mag-concentrate sa mga pagsisikap na matiyak ang “transparent, walang kinikilingan, maayos at mapayapang halalan” sa Mayo.

After over four decades in public service, the President plans to retire from government to spend more time with his family when his term ends in June 2022,” idinagdag niya.

LATEST

LATEST

TRENDING