PRRD: Mananatiling neutral ang administrasyon sa 2022 polls

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Mananatiling “neutral” ang administrasyong Duterte sa May 2022 national at local elections, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Sa isang prerecorded Talk to the People, sinabi niya ang katiyakang ito habang nagbibigay ng recap ng kanyang partisipasyon sa Summit for Democracy na inorganisa ng United States (US) mula Disyembre 9 hanggang 10.

This early, I’d like to just – magbigay lang ng payo that when it comes to the elections, government, the administration will stand neutral. Neither for or against kami, kalaban o kasama sa partido, we will participate in the exercise of that right,” wika niya.

Hindi idinetalye ni Duterte kung ano ang ibig niyang sabihin na “neutral”, ngunit nangakong gagawing mapayapa ang darating na halalan.

We will see to it that there will be no terrorism, vote buying, at intimidation and everything that would put a hindrance to an honest election,” idinagdag niya.

Sa kanyang talumpati sa Summit for Democracy noong Biyernes, sinabi ni Duterte na kahit nagpapatuloy ang trabaho sa mga natitirang buwan ng kanyang termino, titiyakin ng kanyang administrasyon ang “tapat, mapayapa, at malayang halalan”.

Sinabi niya na sa kanyang pagbaba mula sa kanyang termino ngayong Hunyo 2022, ito ay kanyang “pinakamataas na karangalan” para i-turn over sa kanyang kahalili dahil alam niyang ginawa niya ang kanyang “makakaya” upang pagsilbihan ang sambayanang Pilipino.

Inulit ni Duterte ang ipinagmamalaking pagkilala sa Pilipinas bilang kauna-unahang republika at pinakaunang demokrasya sa Asya, at binanggit na nananatili itong “vibrant democracy” at isang bukas at “diverse society” hanggang ngayon.

Idinagdag niya na habang ang demokrasya ng bansa ay “malayo sa perpekto”, ito ay patuloy na isang “work in progress”.

I am proud to be at this Summit for Democracy to tell you about the Philippine experience. Philippine democracy is indeed a work in progress. But the Filipino is free. The Philippines is free,” wika niya.

‘Mabuting kaibigan’

Samantala, muling iginiit ni Duterte na patuloy niyang tinuturing na “mabuting kaibigan” ang China.

I’d like to remind everybody that when everything was down for us, it was China…for whatever really is masabi nila about the relations of the Philippines and China, I would maintain that we are good friends and they were the first one to give us the vaccines,” aniya.

Gayunman, nilinaw niya na hindi makokompromiso ang mga soberanong karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kahit na kaibigan ng bansa ang China.

“Iyong issue diyan sa West Philippine Sea ibang issue ‘yan at ibang issue itong pagkakaibigan natin sa kanila,” idinagdag niya.

Sa Summit for Democracy, mahigit kalahati ng mga bansa sa mundo, kabilang ang Pilipinas, ang naimbitahan habang ang iba ay hindi isinama.

Ang ilan sa mga bansang hindi isinama ay kinabibilangan ng China, Russia, Hungary, Egypt, at Turkey.

LATEST

LATEST

TRENDING