PRC itinutulak ang RT-PCR testing para sa mas ligtas na kapaskuhan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Magiging mas ligtas ang kapaskuhan sa pamamagitan ng regular RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) testing para labanan ang Covid-19.

Habang patuloy na pinapaalala ng mga awtoridad ang pagsunod sa health at safety protocols sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 at sa banta ng variant ng Omicron coronavirus, itinutulak ng Philippine Red Cross (PRC) ang regular testing at pagbabakuna.

We are at war against Covid-19. We must ensure that you are tested regularly and are fully vaccinated before we go to celebrations with our families,” paalala ng PRC sa pamamagitan ng isang news release noong Linggo.

Ang nangungunang humanitarian organization ng bansa ay nagsagawa ng 5,040,454 RT-PCR test at nabakunahan ang 736,297 sa pamamagitan ng 25 na mga site at bus nito sa pinakabagong data.

Nakapagbigay din ang ahensya ng mahigit 83,000 doses sa panahon ng “Bayanihan, Bakunahan” nationwide inoculation drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Although we have reached the 5-million milestone for Covid-19 testing, we will not stop until we beat the virus. Our vaccination sites and buses will continue providing services,” dagdag ng PRC. “We need to test more, we need to trace more, we need to treat more. We need to protect the people.

LATEST

LATEST

TRENDING