Palasyo: Duterte pinananatili ang ‘friend to all, enemy to none’ policy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ang imbitasyon ni United States (US) President Joseph “Joe” Biden Jr. na lumahok sa Summit for Democracy ay “consistent” sa kanyang independent foreign policy, sinabi ng Malacañang nitong Miyerkules.

Ipinahayag ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos malugod ni Duterte ang pagkakataong ibahagi ang demokratikong karanasan at pangako ng Pilipinas sa mga democratic values at nation-building sa Summit for Democracy.

Ibinasura ng China, na hindi inimbitahan, ang summit na inorganisa ng US, na binanggit na walang nakapirming modelo ng demokrasya.

Kilala si Duterte sa pagiging kaibigan din ng regional power China.

Ang Pilipinas ay isa sa pinakamatagal nang Asian partner ng US at pinakamatagal na kaalyado ng US sa seguridad ng Southeast Asia.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Nograles na ang administrasyong Duterte ay palaging nananatiling consistent sa pagsunod nito sa.independent foreign policy.

“Si Pangulong Duterte has always been consistent naman in his foreign policy and even foreign relations. And to put it quite candidly and very consistently, the foreign policy of the President has never changed – it has always been a friend to all, enemy to none,” wika ni Nograles sa isang panayam ng “The Source” ng CNN Philippines.

Binigyang-diin niya na noon pa man ay iginigiit ni Duterte ang isang patakaran na unang-una ay maglilingkod sa mamamayan at magpoprotekta sa interes ng bansa.

He stuck by that from the beginning of his term as President and the administration of President Duterte has always stuck with that – a friend to all, enemy to none,” idinagdag niya.

Noong Sabado, nagsagawa ang China ng sarili nitong International Forum on Democracy habang ang makapangyarihang Konseho ng Estado ay naglabas ng dokumentong tinatawag na “China: Democracy That Works”, na naglalarawan kung paano binuo ng China ang modelo ng demokrasya nito.

Hinamon ng dokumento ang kahulugan ng demokrasya ng US at West, na binanggit na ang bawat bansa ay may iba’t ibang mga sistema at modelo ng pag-unlad ng demokrasya.

Ang Summit for Democracy na inorganisa ng US ay tutuon sa mga hamon at pagkakataong kinakaharap ng mga demokrasya at magbibigay ng plataporma para sa mga lider na ipahayag ang parehong indibidwal at kolektibong mga pangako, mga reporma, at mga hakbangin upang ipagtanggol ang demokrasya at karapatang pantao sa loob at labas ng bansa, ayon sa website nito.

LATEST

LATEST

TRENDING