Mahigit 38.1 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan laban sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang Pilipinas ay nakapagbigay ng kabuuang 91,777,433 dosis ng bakuna laban sa coronavirus sa buong bansa, kung saan 38,168,603 mga Pilipino ang ganap na ngayong protektado laban sa mga panganib ng Covid-19.

Nitong Lunes, ang datos mula sa national Covid-19 vaccination dashboard ay nagpakita na 53,098,886 mga PIlipino ang nakatanggap ng kanilang unang dosis at kabuuang 509,944 booster shots at karagdagang dosis ang ibinigay sa healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised na indibidwal.

Ang kasalukuyang average daily vaccination rate sa huling pitong araw ay nasa 1,497,212 na dosis.

Iniulat ng Department of Health (DOH) na may kabuuang 9,937,827 Covid-19 dosis ang naibigay sa limang araw na malawakang pagbabakuna ng “Bayanihan, Bakunahan”, na orihinal na itinakda para sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, at kalaunan ay pinalawig hanggang Disyembre 3.

Nakatakda rin ang gobyerno na magsagawa ng isa pang round ng malawakang pagbabakuna mula Disyembre 15 hanggang 17, na may layuning ganap na mabakunahan ang 54 milyong Pilipino sa pagtatapos ng taong ito.

Nauna nang sinabi ng National Vaccination Operations Center (NVOC) at DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na magkakatulad na mga alituntunin ang ipapataw sa ikalawang yugto ng “Bayanihan, Bakunahan” drive.

Mula noong Pebrero, nakatanggap na ang Pilipinas ng 146 milyong dosis ng mga bakuna laban sa Covid-19.

LATEST

LATEST