IATF nagtakda ng bagong testing, quarantine protocols para sa inbound travelers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga bagong testing at quarantine protocol para sa pagdating ng mga internasyonal na pasahero mula sa “green” at “yellow” list na mga bansa, teritoryo, at hurisdiksyon epektibo ngayong Disyembre 3.

Ang green list ay binubuo ng mga bansa, teritoryo, at hurisdiksyon na may low risk na impeksyon sa Covid-19 habang ang yellow list ay binubuo ng mga destinasyon na may moderate risk ng impeksyon sa Covid-19.

For fully vaccinated individuals, they shall be required to have a negative RT-PCR test conducted within 72 hours prior to departure from the country of origin,” sinabi ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa isang press statement.

Upon arrival in the Philippines, they shall undergo facility-based quarantine with an RT-PCR test taken on the 5th day, with the date of arrival being the first day,” idinagdag niya.

Dapat silang sumailalim sa home quarantine hanggang sa ika-14 na araw mula sa petsa ng pagdating, anuman ang test result.

Individuals who are unvaccinated, partially vaccinated, or whose vaccination status cannot be independently validated shall be required a negative RT-PCR test conducted within 72 hours prior to departure from the country of origin,” wika ni Nograles.

Dapat tiyakin ng Department of Transportation (DOTRr) na ang mga airline ay pinapasakay lamang ang mga pasaherong sumusunod sa negative RT-PCR test-before-travel requirement.

Sa kabilang banda, ang testing at quarantine protocol ng mga menor de edad ay dapat sumunod sa testing at quarantine protocol ng magulang o tagapag-alaga na kasama nila, anuman ang status ng pagbabakuna ng bata at bansang pinagmulan.

Ang mga internasyonal na pasahero na dumating na at kasalukuyang sumasailalim sa quarantine ay dapat sumailalim pa rin sa testing at mga quarantine protocol sa oras ng kanilang pagdating.

Ang mga Pilipino mula sa ‘red’ list na mga bansa, teritoryo, at hurisdiksyon na (high-risk) ay pinapayagang makapasok sa pamamagitan ng mga repatriations na pinasimulan ng gobyerno o non-government repatriations, at ang Bayanihan Flights ay papayagang umalis lamang sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at/o Clark International Airport.

Dapat tiyakin ng DOTr, sa pamamagitan ng kanilang mga kaakibat na ahensya, ang pagsunod ng mga airline sa direktiba na ito.

Sa pagdating, ang indibidwal ay dapat sumunod sa mga testing at quarantine protocol gaya ng inireseta sa ilalim ng IATF Resolution No. 149-A (s.2021).

Updated Alert Level classification metrics

Samantala, ibinaba rin ng IATF ang Alert Level classification sa Apayao sa Alert Level 2, simula Disyembre 3 hanggang Disyembre 15.

Ito ay matapos amyendahan ng IATF ang mga sukatan para sa pagtukoy sa mga klasipikasyon ng Alert Level ng mga probinsya, highly urbanized na lungsod, at independent component na lungsod.

Kasama sa mga pagbabago ang:

• Pag-alis ng One-Week Growth Rate bilang sukatan para sa pagtaas mula sa Alert Level 1 sa Alert Level 2;

• Ang pag-escalate ng mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 sa Alert Level 2 kung ang alinman sa pag-uuri ng kaso o kabuuang Covid-19 bed utilization ay tumaas sa moderate risk o mas mataas;

• Ang pag-escalate ng mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2 sa Alert Level 3 kung ang parehong case classification at kabuuang Covid-19 bed utilization ay nasa moderate risk, o kung ang case classification ay nasa high hanggang critical risk. 

LATEST

LATEST

TRENDING