GSIS maglalabas ng P3.2-B pensioners Xmas cash gift simula Dec. 6

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ilalabas ng Government Service Insurance System (GSIS) ang 2021 Christmas cash gift na nagkakahalaga ng PHP3.2 bilyon sa mga pensioner nito na may edad na at may kapansanan simula sa Disyembre 6. 

Ang benepisyo ay kilala rin sa mga pensiyonado bilang kanilang “Christmas bonus”.

Sa kabila ng hinaharap nating pagsubok dahil sa pandemya, hangad naming makatulong pa rin sa pagbibigay ng masaya at maginhawang Pasko sa aming mga pensiyonado. Kaya naman siniguro ng GSIS Board na maaga ang ecrediting ng Christmas cash gift sa kanilang mga UMID card o eCard,” sinabi ni GSIS president at general manager Rolando Ledesma Macasaet sa isang pahayag nitong Huwebes.

Para sa mga pensiyonado na nakatanggap ng higit sa PHP10,000 na cash gift noong 2020, sila ay bibigyan ng halagang katumbas ng isang buwang kasalukuyang pensiyon ngunit hindi hihigit sa PHP12,600.

Para sa mga nakatanggap ng PHP10,000 pababa sa 2020, makakatanggap sila ng cash gift na katumbas ng isang buwang kasalukuyang pensiyon hanggang sa maximum na PHP10,000.

Ang mga nagpatuloy ng kanilang regular na buwanang pensiyon pagkatapos ng Disyembre 31, 2020 (pagkatapos ng limang taong garantisadong panahon) ay bibigyan ng halagang katumbas ng isang buwang kasalukuyang pensiyon hanggang PHP10,000.

Kwalipikadong tumanggap ng cash gift ay mga pensioner na may edad na o may kapansanan na nabubuhay hanggang Nob. 30, 2021 at nagretiro sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 8291 (GSIS Act of 1997), Presidential Decree No. 1146, at RA 660 (Magic 87). 

Ang mga nasa suspendido na status dahil sa hindi pagsunod sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) ay magiging karapat-dapat para sa cash gift kung i-activate nila ang kanilang status bago ang 30 Abril 2022.

Ang mga survivorship pensioners, dependent pensioners, pensioners sa ilalim ng RA 7699 (Portability Law), at ang mga tumatanggap ng pro-rata pension ay hindi eligible para sa Christmas cash gift.

Ang mga bagong retirees mula 2017 hanggang 2021 na nag-avail ng agarang pensiyon sa ilalim ng RA 8291 ay makakatanggap ng kanilang unang taunang Christmas cash gift limang taon pagkatapos ng kanilang petsa ng pagreretiro.

Para sa mga retirees na nag-avail ng limang taong lump sum, sila ay may karapatan sa benepisyo pagkatapos ng limang taong garantisadong panahon o kapag nagsimula silang tumanggap ng kanilang buwanang pensiyon.

Katulad nito, ang mga miyembrong nahiwalay sa serbisyo mula 2006 hanggang 2021 bago umabot sa edad na 60 at nagsimulang tumanggap ng kanilang regular na buwanang pensiyon sa pagitan ng 2017 at 2021 ay magkakaroon ng karapatan sa cash gift kapag sila ay naging regular na pensiyonado nang hindi bababa sa limang taon.

LATEST

LATEST

TRENDING