Senado inaprubahan ang nat’l budget kasama ang P10.8-B ng NTF-ELCAC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan ng Senado noong Miyerkules sa ikatlo at huling pagbasa ang PHP5.024 trilyong national budget para sa 2022, kabilang ang PHP10.8 bilyon para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang badyet ng NTF-ELCAC para sa grass-roots campaign nito at tugunan ang decades-old communist insurgency ang huling bagay na hinarap bago aprubahan ng mga senador ang 2022 General Appropriations Bill sa pamamagitan ng 22-0 vote.

Hinimok ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang panel na muling isaalang-alang ang naunang desisyon nito na bawasan ang budget ng NTF-ELCAC sa PHP4 bilyon lamang mula sa orihinal na panukala na PHP24 bilyon.

Sinabi ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na ang budget ng NTF-ELCAC ay itinaas sa PHP10 bilyon, kung saan maaari pang mag-adjust sa bicameral meeting kasama ang House of Representatives.

Maybe even in the bicam we can even try to go higher ang mahirap dito maghanap ng pondo ng source,” isinaad ni Angara.

I have been on record as saying believe the program should be given a chance, I believe the battle for the hearts and minds of our people living in former insurgent areas is very important,” giit ni Angara.

Ipinahayag ni Angara ang komento bilang tugon sa pakiusap ni dela Rosa na muling isaalang-alang ang orihinal na proposed budget ng NTF-ELCAC.

I appeal to the hearts of my colleagues to give more consideration in order to end this decades-long insurgency,” wika ni dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa, isang dating hepe ng Philippine National Police, na ang budgetary support, ang problema sa insurhensiya ng bansa ay maaaring muling lumitaw.

“Walang ibang makikinabang sa desisyon nating ito kundi ang mga Communist terrorist group to the detriment of our kababayans na higit na nangangailangang maramdaman ang ating gobyerno,” aniya. 

LATEST

LATEST

TRENDING