Go umatras sa kanyang kandidatura; Comelec nagpahayag na dapat personal na mag-file ng withdrawal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go nitong Martes ang kanyang pag-atras sa 2022 presidential elections sa pagdiriwang ng ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Go na nais niyang maglingkod sa bansa ngunit napagtanto niyang maaaring hindi pa ito ang tamang panahon.

Pinagtibay din niya ang kanyang katapatan kay Pangulong Rodrigo Durterte, na sinabi niyang maglilingkod siya hangga’t kaya niya.

In the past few days, I realized that my heart and my mind are contradicting my actions. Talagang nagre-resist po ang aking katawan,” wika ni Go.

Ayaw din talaga ng aking pamilya, kaya naisip ko na siguro na di ko pa po panahon.” aniya.

Dagdag pa niya, ayaw na niyang magkaroon pa ng problema sa Pangulo.

Sinabi ni Go na nakausap niya ang Pangulo, na batid na siya ay nahihirapan sa kanyang desisyon.

I will support the candidate who will continue the good work done by the Duterte administration,” idinagdag niya.

Gayunpaman, tumanggi siyang pangalanan ang isang partikular na kandidato. 

Filing

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na kailangang personal na isumite ni Go ang kanyang statement of withdrawal.

For withdrawal, personal appearance is required,” wika ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang Viber message sa mga mamamahayag.

Dagdag pa niya, hindi na papayagan ang substitution dahil boluntaryo ang withdrawal.

Hindi tatanggap ng anumang paghahain ang Comelec sa Martes, na isang national holiday dahil sa Bonifacio Day.

Si Go ay unang naghain ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-bise presidente, pagkatapos ay umatras upang tumakbo sa pinakamataas na posisyon.

Pinalitan niya si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

LATEST

LATEST

TRENDING