BI: Sinuspinde ng IATF ang planong muling buksan ang PH sa mga dayuhang turista

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sinuspinde ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang planong muling buksan ang bansa sa mga dayuhang manlalakbay sa gitna ng banta ng bagong variant ng Covid-19 na Omicron, ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) nitong Lunes.

The IATF deemed it necessary to suspend the entry of foreign tourists, given worldwide concerns over the Omicron variant,” sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente sa isang pahayag.

For now, the current general travel restrictions stand. Only Filipinos, balikbayan, and those with long term visas from green and yellow list countries may be allowed entry,” idinagdag niya.

Sinabi niya na ang mga manlalakbay mula sa pitong bansa sa Europa ay pinagbawalan din na makapasok sa bansa.

Ang mga bansang idinagdag sa “red list” ng IATF mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15 ay ang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy.

Those coming from red list countries within the last 14 days prior to arrival shall not be allowed to enter the Philippines,” idinagdag niya.

Sinabi ni Morente na pinayagan ng IATF ruling ang pagpasok ng mga Pilipino, na maaaring tulungan sa kanilang pagbabalik sa pamamagitan ng government at non-government repatriation at Bayanihan flights, ngunit sasailalim sa health protocols na itinakda ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Idinagdag niya na ang mga nasa transit na mula sa mga red list na bansa na darating bago ang Nobyembre 30, kung bahagi ng mga pinapayagang pangkat, ay maaaring pumasok sa bansa at sasailalim din sa BOQ protocols.

Samantala, pinaalalahanan naman ni BI Port Operations Division chief lawyer Carlos Capulong ang mga airline companies na maingat na suriin ang dokumento ng mga biyahero bago sumakay upang matiyak na tanging ang mga pinapayagang makapasok lamang ang maaaring lumipad sa bansa.

We are conducting 100 percent passport inspection to ensure that we see the complete travel history of the arriving passengers,” aniya.

Sinabi ni Capulong na ang mga dayuhan na hindi tinatanggap ngunit pinayagang sumakay ay tatanggihan sa pagpasok, at ang maling airline ay mapaparusahan.

LATEST

LATEST

TRENDING