
MANILA – Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Google na isama ang mga ruta ng bike lane ng Pilipinas sa dashboard ng sikat nitong real-time navigation app na Google Maps upang matulungan ang mga siklista sa kanilang pang-araw-araw na pagbibiyahe.
Isinaad ni Transport Secretary Art Tugade na nakikipag-ugnayan ang DOTr sa Google hinggil sa proyekto.
“This will be a very good innovation for Google Maps considering that many Filipinos now are riding bikes as their main mode of transportation which brings significant health and environmental benefits especially amid the pandemic,” sinabi ni Tugade sa isang pahayag nitong Huwebes.
Sinabi niya na ang DOTr ay naghihintay para sa pag-apruba ng Google ngunit siya ay nakadarama ng kumpiyansa na ang tech giant ay malamang na ituloy ang kahilingan ng Kagawaran dahil ito ay isang tagasuporta ng aktibong transportasyon.
“We have asked Google to consider this suggestion top priority considering the increasing number of Filipino cyclists. We are confident that we can win their support on this,” wika ni Tugade.
Nakumpleto na ng DOTr ang 500-kilometrong bike lane network nito sa mga lungsod ng metropolitan sa buong Pilipinas.
Kasama sa network ng bike lane ang Metro Manila (313.12 kilometro), Metro Cebu (129.47 km), at Metro Davao (54.74 km).
Ang mga bike lane ay may mga pavement markings, physical separators, solar-powered road studs, thermoplastic paints, road signages, at bike racks.
Ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.





