IATF ilulunsad ang Covid-19 alert level system sa mga natitirang rehiyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Phase 4 na pagpapatupad ng Covid-19 Alert Level System na sumasaklaw sa iba pang rehiyon sa buong bansa, inihayag ng Malacañang.

The Inter-Agency Task Force (IATF) approved to implement Phase 4 of the Alert Level System placing the remaining regions under respective Alert Levels from 22 November 2021 to 30 November 2021,” sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ngayon ay acting Palace spokesperson, sa isang pahayag.

Limang lugar ang isasailalim sa Alert Level 3 kabilang ang Apayao, Mountain Province, at Ifugao sa Cordillera Administrative Region (CAR); Dinagat Islands ng Region 13 (Caraga); at Sulu ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Nograles, 19 na lugar ang isasailalim sa Alert Level 2 ng huling yugto ng pagpapatupad ng Alert Level System. Kabilang dito ang:

Cordillera Administrative Region
Abra
Benguet
Kalinga

Region 4-B (Mimaropa)
Oriental Mindoro
Occidental Mindoro
Puerto Princesa
Marinduque
Romblon
Palawan

Region 13 (Caraga)
Butuan City
Surigao del Norte
Agusan del Sur
Surigao del Sur
Agusan del Norte

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Basilan
Cotabato City
Tawi-Tawi
Lanao del Sur
Maguindanao

Noong Nobyembre 11, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) 151 para sa nationwide rollout ng alert level system na isasagawa sa apat na tier/phases.

Ang unang yugto ay unang nasimulan sa Metro Manila noong Setyembre 16. Ang National Capital Region ay kasalukuyang nasa Alert Level 2 na ngayon.

Nang maglaon, ang Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at Davao Region ay kasama sa Phase 1 implementation.

Nakalista sa Phase 2 ang Cagayan Valley, Bicol Region, at ang Zamboanga Peninsula habang ang Ilocos Region, Eastern Visayas, at Soccsksargen ay bahagi ng Phase 3.

Saklaw ng Phase 4 ang CAR, Caraga, Mimaropa, at BARMM. 

LATEST

LATEST

TRENDING