Comelec ni-‘reject’ ang 126 party-list applicants para sa 2022 elections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon nitong Miyerkules na hindi inaprubahan ng poll body ang 126 na grupong naghahangad na magparehistro bilang party-list para sa 2022 national at local elections.

126 applicants for Party List registration were denied by @Comelec,” wika ni Guanzon sa isang post ng kanyang Twitter account.

Gayunpaman, sinabi niya na “mahigit 100 ng mga tinanggihang party-list na aplikante ang naghain ng motion for reconsideration”.

Sinabi ni Guanzon na kailangang lutasin ng Comelec ang usapin sa unang bahagi ng susunod na buwan para sa pag-imprenta ng mga balota.

@COMELEC must finish by December 6. Final date for ballot preparation is December 15,” aniya.

Sa panahon ng paghahain mula Oktubre 1 hanggang 8, may kabuuang 270 party-list groups ang naghain ng kanilang Certificates of Nomination and Acceptance para lumahok sa party-list system of representation.

Noong Oktubre 25, inilabas ng Comelec ang mga pangalan ng 53 bagong party-list groups na nabigyan ng rehistrasyon.

Ang Comelec ay mayroon na ngayong 171 rehistradong party-list groups, kabilang ang 118 na umiiral na organisasyon, para sa May 9 election.

LATEST

LATEST

TRENDING