Comelec itinakda ang prelim conference sa petisyon vs. BBM sa Nov. 26

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang preliminary conference sa petisyon para kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ng presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Nobyembre 26.

Sinabi ni Director Elaiza Sabile-David ng Comelec-Education and Information Department na itinakda ng Clerk of the Commission ang paunang talakayan sa susunod na linggo.

I was told by the director of the Office of the Clerk of Commission that when they issued the summons… the preliminary conference was already included. The preliminary conference is scheduled on Nov. 26,” sinabi niya sa isang panayam nitong Lunes.

Pagkatapos ng kumperensya, ang mga partido ay ididirekta na magsumite ng kani-kanilang memoranda.

If there are no more questions, it (the case) would be submitted for resolution,” idinagdag niya.

Nang tanungin kung gaano katagal makakapaglabas ng ruling ang Comelec second division, sinabi ni David na maaaring kailanganin ng mga commissioner ng mas mahabang panahon para magresolba.

We cannot tell. Hopefully, within the year,” aniya.

Noong unang bahagi ng buwan, isang petisyon ang inihain sa Comelec na naglalayong kanselahin ang certificate of candidacy ni Marcos. Iginiit ng mga petitioner na ang COC ni Marcos ay naglalaman ng maraming maling materyal na representasyon.

Bilang tugon, sinabi ng tagapagsalita ni Marcos, ang abogadong si Victor Rodriguez, na kanilang tutugunan ang itong “predictable nuisance petition” sa tamang oras at forum.

LATEST

LATEST

TRENDING